Matapos ang matagumpay na pagtatanghal sa Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022), inanunsyo na ng Moonton  kung kailan gaganapin ang M4 World Championship, ang pinakamalaking MLBB tournament sa buong mundo.

Credit: MSC

Inilahad ng game developer ang malaking balita sa isang teaser matapos koronahan ang RSG Philippines na siyang kampeon ng international patimpalak. Sa naturang video, ibinahagi na sa January 1-15, 2023 gugulong ang ika-apat na kampeonato ng M World Series.


Inaasahang mas lalawak ang abot ng MLBB sa pagpasok ng M4 World Championship

Bagamat malaki na ang komunidad na nabuo ng laro sa Pilipinas, Indonesia, Malaysia at Myanmar, inaasahan na mas mapapalawak pa lalo ng M4 World Championship ang popularidad ng MOBA game.

Ito ay karugtong ng magandang naidulot ng pagtatanghal ng mga naunang M World Series events kung saan mula sa isa lamang na regional na laro ay umabot na ito hanggang sa kabilang panig ng mundo.

Malaking hakbang patungo sa inaasahang paglago ng popularidad ng Mobile Legends ang magandang performance na ipinakita ng BloodThirstyKings. Sa nakaraang M3 World Championship, nagtapos sa 3rd place ang North American team.

Credit: Moonton

Gayundin ang spotlight na nadala nito sa Brazil dahil sa hype na baon ng MPL BR representatives na Red Canids at Keyd Stars.

Simula noon ay naitatag na ang iba’t-ibang MPL leagues katulad na lamang ng MPL KH sa Cambodia at MPL Middle East North Africa (MPL MENA).

Ngayong nailahad na kung kailan gaganapin ang M4, inaasahang mas maraming teams na ang maghahanda para maka-qualify sa pinakamalaking patimpalak sa mundo ng MLBB.

Sundan ang pinakahuli sa Mobile Legends sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa ONE Esports PH sa Facebook.

BASAHIN: Zico lumapag na ng Cambodia, winelcome ng BURN x FLASH members