Bagamat gumaganap bilang roamer sa competitive scene, hindi kaila na isa sa mga pinaka-mechanically-gifted na pro player si Kiboy ng ONIC Esports. Kayang makipagsabayan ng ONIC tank/support player sa pinakamagagaling, kahit pa sa mga bigating miyembro ng Indonesian MLBB national team.

Munting patunay ang ginawa niya sa isang YouTube stream ni R7 kung saan inimbitahan si Kiboy at ang kaniyang ONIC ka-tandem na si Sanz para subukan ang kanilang mechanics sa one on one game.


Kiboy tinagis si R7 sa 1v1 gamit ang Chou at Jawhead

Credit: MPL ID

Sa unang laban nina Kiboy at R7, ginamit nila pareho ang Chou. Parehong bantog na Chou players ang dalawang pro kaya naman naging kapanapanabik ang tapatan.

Banayad at maingat lamang ang atake ni Kiboy sa unang game, kaya naman ng nauna si R7 na gumamit ng agresibong Flicker  ay kinontra niya ito ng sarili niyang Flicker combo para makalusot ng may kaunting HP at manakaw ang panalo.

Sa pangalawang laro naman, Jawhead ang isinalang ng dalawang pro. Bakbakan ng mechanical skills at micro ang pangalawang round ng tapatan. Sa pagkakataong ito, itinapang ni Kiboy ang Flicker + Ejector + Smart Missles papunta sa turret ni R7, bago i-activate ang Unstoppable Force  para puksain ang RRQ Hoshi veteran.


Pagkatapos puguin si R7, si Sanz naman ang sinunod ni Kiboy

Credit: ONE Esports

Hindi umubra si R7 sa micro ni Kiboy, kaya naman ang kaniyang kapatid na Jungler mula ONIC ang rumelyebo para subukan ang kaniyang play.

Chou pa rin ang naging choice para sa unang game ng dalawang ONIC stars ngunit hindi katulad ng kay R7, mas matagal ang itinagal ng laro dahil naging maingat ang dalawa. Kung dalawang minuto lamang ang itinagal ng RRQ star, kinailangan ni Kiboy ng 12 minutes para pabagsakin ang Chou ni Sanz.

Sa pangalawang sultada, Selena naman ang pinili nila. Mabilis na game two ang inihandog ng ONIC roamer dahil nakatapak ng Abyssal Trap si Sanz habang siya ay low health na nagdulot ng pagkatapos ng laro sa ikalawang minuto.

Sa munting paligsahang ito, may pruweba na kayang makipagsabayan ni Kiboy sa mga miyembro ng national team. Maaari pa ngang sabihin na siya ang may pinakamataas na mechanical skill level sa lahat kung pagbabasihan ito.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita tungkol sa MLBB.

BASAHIN: Ito ang payo ni Skylar ng RRQ Hoshi sa mga gustong gumamit ng MLBB marksman heroes sa gold lane