Kilala ang Mobile Legends: Bang Bang sa kanilang nakaaaliw na skin collaborations. Sinong makakalimot sa partnership ng Moonton sa King of Fighters, Transformers, Star Wars. Pati nga ang Sanrio franchise ay naitampok na rin sa Land of Dawn.
At sa kalagitnaan ng 2022, malaki ang posibilidad na si Po at ang kaniyang mga kasamahan sa patok na animated series na Kung Fu Panda ay maibibida na rin sa laro.
Tatlong Kung Fu Panda characters ang malapit ng lumabas sa Land of Dawn

Nasiwalat sa mga leaks sa ilang Mobile Legends skin leak pages ang papasok na collab kasama ang Kung Fu Panda franchise. Pinagusapan sa mga nasabing pages tulad ng ML_Leaks – Mobile Legends at dafrixkun ang isinasagawang proseso ng Moonton para mailabas ang sikat na cartoons sa laro.
Tatlong skins ang ipinapalagay na lalabas sa nasabing collaboration. Sasamahan si Po ang dalawa pang mga karakter sa naturang serye na sina General Kai at Lord Shen. Si Akai ang gaganap bilang Po, ang bida sa serye na nais maging isang Kung Fu master.
Si Thamuz naman ang magiging si General Kai, ang bull character na kontrabida sa cartoon series. Gaganap naman bilang Lord Shen si Ling.

Kasama sa mga lumabas sa leaks ang unfinished artworks ng Kung Fu Panda characters, kaya naman malaki ang tiyansang malapit na ang panahong lalabas ang mga naturang cartoons sa Mobile Legends.
Mababalikang isa ang pelikula sa pinakapopular na animated trilogies dala ng swabe nitong visual effects, napakagandang pagkakasulat pati na rin sa mga karakter nitong umantig sa mga manonood. Dahil sa tagumpay na natamasa ng franchise ay nadagdagan ang orihinal na serye ng ilang short movies, spinoffs, at pati theme parks sa U.S.
Bagamat wala pang anunsyo ang Moonton sa naturang collaboration, araw na lamang ang bibilangin bago ito opisyal na pagulungin sa application ngayong taon.
Sundan ang pinakahuling balita tungkol sa Mobile Legends sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook!
BASAHIN: Futuristic ang dating ng bagong Galactic Marshal Tigreal skin na ‘to