Ang Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup o MSC ay isa sa pinakamalalaking MLBB event na idinaraos taun-taon saan nagbabakbakan ang top teams para hiranging pinakamalakas sa rehiyon.

Sa ngayon, Pilipinas ang may pinakamaraming kampeonato na unang nakuha ng bansa noong 2018, at nakuha ng magkasunod sa taong 2021 at 2022. Sinundan ang PH ng Indonesia at Thailand na may tig-isang tropeyo.

Napurnada ang planong pagulungin ang MSC noong 2020 dahil sa pandemya kaya naman naiusog ito sa sumunod na taon sa online format.

Screenshot ni Jules Elona/ ONE Esports

Bukod sa mga koponan mula sa established MPL regions, kalahok din sa international patimpalak ang non-MPL regions. Ang teams mula Myanmar, Cambodia at Vietnam ay iba pang teams mula sa rehiyon ay nakasali na sa MSC. Sa katunayan, ang IDONOTSLEEP galing Thailand ang unang kampeon ng nasabing torneo noong 2017.

Heto ang kumpletong listahan ng MSC winners.


Listahan ng MSC Winners mula 2017

Credit: Mobile Legends: Bang Bang
EVENTTEAMPRIZE POOL
MSC 2017IDONOTSLEEP (Thailand)US$100,000
MSC 2018Aether Main (Philippines)US$100,000
MSC 2019ONIC Esports(Indonesia)US$120,000
MSC 2021Execration (Philippines)US$150,000
MSC 2022RSG PH (Philippines)US$300,000

Sa kasaysayan ng MSC, pinakamalaki ang prize pool sa MSC 2022 na dalawang beses ng premyo noong nakaraang taon. Sa pinakahuling iterasyon ng international tournament, napanatili ng RSG Philippines ang korona sa MPL PH.