Aalis na ang isa sa pinakamalaking esports organizations sa Mobile Legends: Bang Bang Professional league Brazil (MPL BR).
Ito ay ayon sa Keyd Stars roamer na si Luiz “Luiizz” Henrique Alves na inilahad ang disbandment ng kaniyang koponan matapos lamang ang isang season sa liga.
Kinumpirma ni Luiizz ang pag-withdraw ng Keyd Stars sa MPL BR
Sa isang eksklusibong panayam kasama ang ONE Esports, ibinahagi ng Keyd Stars roamer ang balita na gumulat sa mga miron lalo pa’t maganda ang ipinakita ng koponan sa local at international tournaments na kinatampukan nila.
Bukod dito, binanggit din ni Luiizz ang pagiging available ng kanilang roster kung mayroon mang organisasyon na interesado ampunin sila.
“Vivo Keyd left MPL BR. Our current lineup has no sponsors,” he stated. “We are now open to opportunities from Indonesian teams or other countries to have a Brazilian MLBB division playing in Brazil,” ani ni Luiizz.
Ibinalita rin ng Brazilian esports media OBuff ang nasabing pagkalas ng Keyd Stars mula sa roster na ngayon ay free agents na.
Mga tagumpay ng Keyd Stars sa MLBB eksena sa Brazil

Magilas ang kampanya ng Keyd Stars sa Brazilian Mobile Legends: Bang Bang eksena.
Dekalibre ang mga players na bumuo ng team noong MPL BR Season 1 na muntik ng maiuwi ang MPL BR Season 1 korona kung hindi lamang nalusutan ng Red Canids sa huling laro ng Grand finals serye.
Bilang runner ups ng MPL BR, nakamit ng koponan ni Luiizz ang tiket papunta sa M3 World Championship kung saan ginulat nila ang mundo ng patumbahin ang paboritong ONIC Esports sa group stage.
Gayunpaman, naputol ang momentum ng mga Brazilians ng makaharap ang kalaunan ay kampyon na Blacklist International sa lower bracket playoffs.
Para sa mga eksklusibong balita tungkol sa MPL, i-follow ang Facebook ng ONE Esports Philippines.
BASAHIN: Lunna ng Red Canids magpapahinga muna mula sa competitive MLBB