Nilabas na ang resulta ng M5 World Championship Group Draw, at kasama nito ang pangako muli ng isang action-packed group stage.
Mula Disyembre 2 hanggang 17, 2023, labing-apat na qualified teams mula sa iba’t-ibang rehiyon kasama ang dalawang Wild Card teams ang mag-lalaban-laban para sa tumataginting na US$900,000 prize pool.
Ang mga MPL PH talents na sina Maria Aquino at Joseph Charles “Naisou” Rezabek ang host ng draw ngayong taon. Kasama rin ang dating EVOS Legends pro player na si Gerald “Dlar” Trinchera at RSG star na si Jonard “Demonkite” Caranto.
M5 World Championship group draw mechanics

Bago ang draw, hiniwalay ang mga teams sa tatlong main pools.
Binubuo ng Pool 1 ang MPL PH Season 12 champions na AP Bren at runner-up na Blacklist International, pati na rin ang MPL ID Season 12 champions na ONIC Esports at runner-up na Geek Fam.
Binubuo naman ng Pool 2 ang MPL MY Season 12 champions na HomeBois, MPL MENA Fall 2023 champions Triple Esports, MPL KH Autumn 2023 champions SeeYouSoon, MTC Turkiye Championship Season 2 champions Fire Flux Esports, LIGA LATAM 2023 champions RRQ Akira, MPL SG Season 6 champions Team Flash, M5 Myanmar Qualifier winners na Burmese Ghouls, at NACT Fall 2023 champions TheOhioBrothers.
Ang Pool 3 naman ay binuo ng Bigetron Sons ng LIGA LATAM, MLBB Continental Championships Season 2 champion na DeusVult, at dalawang Wild Card teams.
Ang mga teams mula sa parehas na rehiyon ay hindi maaring ma-draw sa iisang grupo. Ang mga teams naman sa Pool 1 at Pool 3 ay hindi maaring mailagay sa parehas na grupo.
- Road to MPLI 2023: Ito na ba ang taon na makukuha ng mga Pinoy ang tropeyo?
- M5 ticket: Alamin kung saan makakabili, mga presyo, at early bird promos
- Road to MPLI 2023: HomeBois gigil na magbigay-karangalan para sa Malaysia
M5 World Championship Group Draw results

| GROUP A | GROUP B | GROUP C | GROUP D |
| ONIC Esports | Blacklist International | AP Bren | Geek Fam |
| SeeYouSoon | Fire Flux | Burmese Ghouls | TheOhioBrothers |
| Triple Esports | RRQ Akira | Team Flash | HomeBois |
| Bigetron Sons | Wild Card team (TBA) | Wild Card team (TBA) | Deus Vult |
Ibinunyag ng M5 group draw results ang iilang nakaka-intrigang matchups, lalo na sa Group C kung saan maghaharap muli ang mga M2 World Championship grand finalists na AP Bren at Burmese Ghouls, kasama ang Singaporean champions na Team Flash.
Gaganapin ang group stage mula Disyembre 2 hanggang 7, habang ang Knockout Stage ay gaganapin mula Disyembre 9 hanggang 16.
Ang grand final naman ay lalaruin sa Disyembre 17.
M5 Wild Card group draw results

| GROUP A | GROUP B |
| 4Merical Esports (Nepal) | KeepBest Gaming (China) |
| Team SMG (Malaysia) | Imperio E-Sport (Peru) |
| Falcon Esports (Saudi Arabia) | Team Lilgun (Mongolia) |
| Nightmare Esports (Laos) | Umbrella Squad (EECA) |
Bago ang Group Stage, dalawang teams ang may pagkakaton na makakuha ng pwesto sa main tournament via M5 Wild Card event, na naka-schedule sa Malaysia mula Nobyembre 23 hanggang 26.
I-like at I-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Mobile Legends.