Hindi nabigo ang mga fans na sumabaybay sa M3 Group Stages Day 3 tampok ang mga kapanapanabik na bakbakan sa pagitan ng mga koponan galing North America, CIS, Cambodia at Singapore.


Pinaluhod ng EVOS SG ang kompetisyon sa M3 Group Stages Day 3

Credit: Moonton

Pinatunayan ng mga kampyon ng MPL Singapore Season 2 EVOS SG ang bitbit nilang kalibre matapos pataubin ang lahat ng mga kasama sa Group C, 3-0, kung saan nagpabilib ang kanilang midlaner na si Seilah na naglista ng dalawang MVP awards.

Unang laban pa lamang ay ipinaramdam na agad ng Singaporeans ang kanilang kagustuhang nakawin ang upper bracket. Kontra SeeYouSoon, dominanteng 13-3 score ang itinala ng kalaunan ay Top 1 sa Group C gamit ang kanilang early game lineup na bumaon sa mga Cambodians.

Gayundin ang ipinakita nilang gigil sa laban kontra BTK kung saan bumida ang Beatrix mid ni Seilah na bagamat 2/0/4 KDA lamang ang inilista ay malaki ang naging impact sa opensiba ng EVOS.

Husay naman sa late game at kumpiyansa ang ipinamalas ng hometown heroes sa bakbakan kontra NAVi kung saan nagningning ang support duo na sina Seilah at JPL.

Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Gamit ang mid Beatrix, naglista ng malinis na 5/1/7 KDA si Seilah habang bumuhat naman sa Lolita sii JPL na nagtala ng 4/2/10 KDA, sapat para hiranging MVP of the match.

Aakyat ang EVOS SG sa upper bracket at haharapin ang Bedel ng Turkey.


Sinelyo ng BTK ang isa pang upper bracket slot

Credit: Moonton

Bagamat hindi umubra sa agresibong early game atake ng EVOS SG, hindi nagpasindak ang BloodThirstyKings na binalagbag ang SeeYouSoon at NAVI.

Ipinakita ng BTK jungler na si MobaZane ang gilas niya sa marksman cores sa maniobra niya sa Yi Sun Shin sa Match 2 kontra NAVI, kung saan naglista siya ng malinis na 5/0/5 KDA at ng panalo para sa kaniyang NA team.

Gayundin ang ipinamalas niya sa huling laban ng M3 Group Stages Day 3, kung saan Balmond jungle naman niya ang bumuhat sa kaniyang koponan papunta sa upper bracket at pag-iwas sa inasahang three-way-tie.

Sa paggulong ng M3 World Championship playoffs, kakaharapin ng NA team ang kinatatakutang Blacklist International sa unang round.

Heto ang kumpletong resulta matapos ang M3 Group Stages Day 3:

GROUP CWLAGG. Points
EVOS SG (SG)303
BloodThirstyKings (NA)212
NAVI (CIS)121
SeeYouSoon (KH)121

Abangan ang pinakahuling balita tungkol sa M3 World Championship sa pamamagitan ng pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook!

BASAHIN: M3 Group Stage Day 1: Blacklist niyanig ang Group A, sigurado na sa upper bracket sa playoffs