Ito ay pagsasalin ng orihinal na akda ng batikang international caster at analyst sa Mobile Legends: Bang Bang na si Caisam “Wolf” Nopueto.

Napakalupit ng meta sa ngayon sa Mobile Legends: Bang Bang World Championship (M3).

Katulad ng ibang malalaking torneo, ito ay mayroong sariling meta kung saan ilang heroes ang nagsisilbing mukha nito. Sa ginanap na ONE Esports MPL Invitational, nakita ang pagsikat ni Clint, ang pagbabalik ni Yi Sun-Shin at ang inaasahang dominasyon ni Mathilda.

Sa M3, matapos ang apat na araw na group stage, limang araw na playoffs at napakaraming theorycrafting, napag-isipan ko itong tier list ng mga hero sa bawat role sa competitive Mobile Legends.


Pagpapaliwanag sa mga tier

Sa kabuuan, ni-rate ko na SS-tier ang mga pinakamalakas na hero sa kanilang role, at kadalasan ito ang mga hero na may pinakamataas na pick at ban rate. Ang mga S-tier ay malakas pa rin at pwedeng-pwede pa ring ituring na “OP” pero minsan ay nakakaligtaan dahil hindi sila one-size-fits-all na tipo ng hero (sobrang lakas pa rin).

Ang mga A-tier na hero ay malakas pa rin, pero kailangang i-draft sa paraang sila ay pangontra sa S- o SS-tier na heroes o dahil swak sila sa composition ng koponan. Ang mga B-tier ay nakadepende sa sitwasyon–dahil pangontra sila sa mga partikular na hero o pasimuno ng big-brain strategies. Madalas ding dina-draft kapag walang hard counters.

Ang mga C-tier ay mga hero na nagamit na sa isang competitive game sa nakaraan at pwedeng hugutin ng M3 teams sa mga napaka-partikular na sitwasyon. Ang D-tier ay mas situational, kumbaga nagamit na dati pero hindi ganoon kalakas kapag kinumpara sa mga malalakas na hero na nasa taas ng meta. Ang E-tier naman ay kayang mapabilang sa metagame, pero masyadong marami ang win conditions kaya naman mas maigi na gamitin na lang ang ibang heroes.

Ang kagandahan dito ay maaring ilagay sa multiple roles ang mga hero, pero naiiba ang kanilang tier depende sa role kung nasaan sila. Ang ibang hero ay maganda sa Roam Role pero maaari pa ring laruin sa Mid Lane Role, gayunpaman depende pa rin sa sitwasyon.


M3 meta tier list ni Wolf

Gold Lane tier list

M3 meta tier list ni Wolf - Gold Lane

Para sa Gold Lane, pinakilala sa metagame si Clint sa MPLI at napisil nang malakas mula noon. Nataasan ni Clint si Natan sa Gold Lane (dati ay si Natan ang talagang pick sa Gold Lane) dahil sa recent buffs na natanggap niya at kakayahang kaya niyang talunin si Natan sa lane.

Dahil sa ilang bugs, ‘di nakasama si Beatrix sa meta ng halos kabuuan ng MPL Season 8, pero pagdating ng M3, sobrang lupit ni Blacklist International gold laner OHEB sa hero na ito at ang iba ay sumunod na lang. Na-develop ng Beatrix users ang paggamit ng Renner (sniper) bilang paraan para manalo sa lane at mula noon ay unbeatable na siya sa laning stage (ang Clint vs Beatrix ay 50-50 na ngayon).

Malakas pa rin naman si Natan, pero dahil sa pagsikat ni Beatrix, Clint, Brody, Kimmy at Popol and Kupa, nakakita siya ng lane matchups na hindi pabor sa kanya. Gayunpaman, napakalakas pa rin niya habang tumatagal ang laro at isa pa rin talagang kumpletong hero dahil sa kanyang matinding mobility, hero damage at objective-taking potential.

Ang mga A-tier katulad nila Alice at Aldous ay maraming win conditions na kailangang makuha pero malakas pa rin naman sa mga partikular na lineup. Ang mga mage tulad nila Pharsa, Lunox at Lylia ay mayroon ding magandang laning capability, pero maaaring pumalya sa pag-scale kumpara sa ibang hero sa Gold Lane. Sila Brody at Popol and Kupa ay parehong matchup-based heroes–na nangangahulugang kailangan sila i-draft para manalo sa lane at laging mag-push.

Malakas rin naman ang mga nasa B-tier pero mas pipiliin mo ang nasa mas mataas na tier. Pero kung kaya nilang ipanalo ang kanilang matchup o kaya counter sila sa kalaban, mabuti pa ring kuhain sila. Ang mga natitira sa tier list na ito ay highly situational na.


Junglers tier list

M3 meta tier list ni Wolf - Jungler

Sila Hayabusa at Ling ay mga automatic na staple pick at mataas sa 90% pagdating sa pick at ban sa M3 World Championship. Halos must-have sila sa hero pool ng mga koponan dahil talaga namang rewarding kapag maganda ang laro ng parehong hero na ito. Dahil sa laki ng kanilang outplay potential, ginagawang winnable ng mga hero na ito ang mga laro sa halos lahat ng sitwasyon.

Maaari ring ilagay sa SS-tier si Paquito dahil sa “flex argument” (kung saan pwede siyang i-flex sa iba pang role at dahil dito ay madalas siyang priority pick) at halos kasing-lakas din nila Ling at Hayabusa. Sila Lancelot at Roger ay S-tier din dahil sa kanilang kalakasan at sulit na pamalit kila Ling at Haya kapag sila ay na-ban. Si Yi Sun-Shin naman ay may sariling mundo sa S-tier dahil sa kanyang fast-farm at objective-taking potential.

Samantala, sila Aldous at Bane ay A-tier dahil bagamat sobrang lakas din nila, gumagana lang sila sa mga koponan na alam kung paano sila gamitin. Kapag nasa magandang composition at na-execute nang maayos, mukha talaga silang OP. Halos pareho ito sa mga hero na nasa B-tier dahil nasa sitwasyon sila kung saan ginagamit silang counter sa kalaban o isang tech pick para kumpletuhin ang isang lineup. Halimbawa, si Barats ay ginagamit kontra sa assassin-heavy comps, Balmond laban sa mabagal pero tanky na comps, Karina kontra sa Aldous-based comps, etc.

Pwede ring sabihin ito para sa mga C-tier na hero, pero ang mga B-tier ay mas maiging pamalit dahil mas kaunti ang conditions na kailangan. Dagdag pa rito, ang mga C-tier ay mayroong mataas na risks ngunit mas mababang rewards. Ang mga D-tier naman ay humihilig bilang “cheese picks” at halos imposible na walang ibang option sa jungler role.


EXP Lane tier list

M3 meta tier list ni Wolf - EXP Lane

Si Paquito pa rin ang hari ng EXP Lane sa ngayon at karamihan sa mga koponan ay dina-draft ang hero na ito bilang flexible pick. Mataas ang kanyang kill potential, disente ang kanyang wave clear, malakas din ang pick-off at ang kanyang mga kontribusyon sa mga team fight ay talaga namang napakaganda. Sumusunod sa kanya ay sila Phoveus at Esmeralda na kapwa standard picks ngayon sa EXP lane role.

Malakas pa rin ang mga A-tier na hero, pero kinukuha lang sila kapag mas malalim ang halaga nila sa composition ng isang koponan. Nasa A sila dahil ginagamit sila bilang counter sa ibang hero sa EXP lane, pwedeng dahil sa winning laning matchup o kaya counter sila sa ibang roles. Halimbawa, si Uranus ay ginagamit kapag kailangan ng taga-tangke o kaya split-pusher sa mga greedy comp. SI Yu Zhong ay madalas pinipili kapag may malalambot na backliners ang kalaban tulad ng isang marksman o mga Pharsa/Yve strereotype.

Sila Gloo at Lapu-Lapu ay parehong situational EXP laners at mayroong natatanging kalakasan. Isang bagay na pareho sila ay ang pagiging legit na panganib sa mga Marksman-based composition na basically ay ang meta game ngayon.

Ang mga C-tier naman ay extremely situational dahil pasok lang sila sa mga comp na nangangailangan ng espesyal na layunin. Ang mga E-tier ay nagamit na dati at, theoretically speaking, viable pa rin naman sa EXP Lane pero masyado silang mahina para laruin sa isang competitive game.


Mid Lane tier list

M3 meta tier list ni Wolf - Mid Lane

Ang Mid Lane bilang role ay ang pinaka-creative na role dahil pwedeng laruin dito ang kahit anong hero class. Basta mayroong wave clear, kill potential at scaling tool, ang isang hero ay pwedeng ituring na viable dito. Pero siyempre may mga hero pa rin na kayang gawin ang trabaho na ito nang mas maayos.

‘Di mapagkakailang si Selena ay isang SS-tier dahil sa kanyang vision at kill potential. Bagamat sobrang baba ng wave clear niya, sinisiguro ng mga koponan na mayroon silang isang Selena user dahil sa kanyang game-changing at low cooldown stun, at matinding burst damage. Nakakita na tayo ng malalaking turnaround at snowball games sa kabuuan ng M3 sa likod ng isang malupit na Selena.

Sila Yve at Pharsa ay maaaring SS-tier, pero dahil sa mga ginawang buff kay Yve at kung paano naglalaro ang mga koponan sa mga team fight, tuluyan na siyang umangat sa pinakamataas na tier sa mid lane role.

Ang pinakamalaking argumento na pwedeng ilaban ng mga Pharsa fans ay pwede siyang i-flex sa Gold Lane o Mid Lane. Ang long-ranged artillery ni Pharsa ay malakas sa meta ngayon dahil halos fail-safe ito at ang laro ay puno ng malalambot na marksman na kayang-kayang puksain ng isang Pharsa na may dalawa o tatlong item lang.

Ang Chou sa mid lane ay pinasikat ni Hadji ng Blacklist International sa Pilipinas noong MPL PH Season 8 at gayundin ang ginawa ni Hatred ng ONIC PH sa M3 World Championship. ‘Di naman ganun kasama ang wave clear ni Chou at ang kanyang kill potential as early as 5 minutes ay talaga namang ‘di mapantayan kapag may Heptaseas na siya at naka-High and Dry (Assassin Emblem).

Ang ibang hero sa mid lane ay self-explanatory naman dahil kahit sino naman ay pwedeng laruin sa mid lane basta swak ito sa composition at kung ang pagpili ay sinasagot ang tanong na, “Sinong hero ang mas magpapalapit sa’tin sa win condition natin?”

Kaya naman sila Lunox at Lylia ay pwedeng ituring na A-tier dahil sa kanilang magandang early game at mas magandang late game na may bonus pang self-sustain.

Ang mga hero na nasa C, D at E tier ay nasa listahang ito dahil nagamit na sila dati at sila rin ang madalas na ituring ng mga koponan at coach bilang “pocket strategy” o “flex pick”.


Roam Role tier list

M3 meta tier list ni Wolf - Roam

Si Mathilda ay isang staple Roam hero simula noong pinakilala siya sa laro dahil na rin taglay niya ang lahat ng kailangan sa isang supporting role. Disente ang kanyang wave clear, solidong vision, matinding mobility at isang game-changing ultimate. Kaya niya rin gawing mobile ang kanyang mga kakampi gamit lang ang isang skill.

Naging prominente si Rafaela sa MPL Season 8 playoffs at MPLI kung saan nagsilbi siyang go-to combo sa mga marksman-based composition. Pwede rin maging proxy si Rafaela kay Mathilda pagdating sa overall utility at ability set habang itinuturing din bilang soft-counter kay Mathilda. Ginamit ni Baloyskie ng ONIC PH ang hero na ito sa anim na magkakasunod na laro sa M3 at naipanalo ang lima dito.

Si Chou ay isang automatic choice din sa Roam Role at hanggang ngayon ay isang sulit na pick para dito. Subalit ang tatlong breakout hero pick sa M3 ay sila Lolita, Ruby at Selena. Si Lolita ang naging face of the playoffs dahil maganda siyang pangontra sa projectile-based heroes at ang kanyang ultimate ay pwedeng gamit sa iba’t-ibang paraan. Solid din si Ruby sa Roam Role dahil sa kanyang natural na combo-breaker at skill disruptor. Matinik din ang Selena sa Roam Role dahil sa kanyang vision at game-changing stun.

Halos lahat ng Tank na alam at kinagiliwan natin ay nasa B-tier dahil sila situational. Si Estes ay nandito kahit na siya isang championship hero ng isang top team gaya ng Blacklist International hindi dahil siya ay mahina kundi dahil siya ay isang team-based hero. Ang skill cap niya ay hindi nakadepende sa gumagamit, kundi sa abilidad ng koponan at pag-unawa sa skill set niya.

Ang mga hero sa ilalim ng C at D ay valid options sa Roam Role ngunit hindi sila kasing-game-changing tulad ng mga hero na nasa mas matataas na tier. Situational din sila pero pwede rin maging deadly kapag nagamit nang tama. Halimbawa, nilabas ni Baloyskie ang Natalia kontra sa RRQ Hoshi. Nahirapan siya noong una at mukhang nagfi-feed pero naipanalo ang laro para sa kanyang koponan sa isang 29-minute nail-biter.

Ang mga E-tier hero ay self-explanatory.