Kapanapanabik na Mobile Legends ang isinalang ng mga koponan sa pagpapatuloy ng M3 Playoffs Day 6 tampok ang bakbakan ng EVOS SG at BloodThirstyKings sa upper bracket semis, at laglagan sa pagitan ng Todak at Na’Vi.


BTK aabante sa upper bracket finals

Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Patuloy na nagpabilib ang BTK matapos iligpit ang EVOS SG, 3-1 para ipagpatuloy ang kanilang kampanya sa upper bracket ng M3 World Championship.

Bagamat nakatabla ang EVOS SG sa Game 2 sa pangunguna ng Karina ni Potato, hindi nagpapigil ang mga taga-North America na bumulusok sa dalawang magkasunod na laro tampok ang Roger ni MobaZane.

Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Agresibong teamfights ang patuloy na hinanap ng BTK sa midgame ng Games 3 at 4 para bigyang daan ang snowball ng kanilang jungler at tuluyang pataubin ang MPL SG champions.

Malaking tulong ang binigay ng Lylia ni ZIA para kuhanin ng NA team ang kritikal na game 3, habang Lolita naman ni Shark ang nagbigay ng kontrol para sa kaniyang koponan sa game 4 para tuluyan ng isarado ang serye.

Sa panalong ito sa M3 Playoffs Day 6, aabante ang BTK sa upper bracket finals kung saan hinihintay sila ng nagbabagang ONIC Philippines.


Todak nilusutan ang NAVI, 3-2 sa M3 Playoffs Day 6

Credit: Moonton

Hindi man naging madali ang pagsisimula kung saan nabaon sila sa 0-2, inilabas ng Team Todak ang kanilang tunay na laro sa huling bahagi ng lower bracket bakbakan kontra Na’Vi para ilista ang 3-2 reverse sweep.

Roger ni CikuGais ang nanguna sa Game 3 para pigilan ang inaasahang sweep ng mga taga-CIS, kung saan naglista ang jungler ng malahalimaw na 7/05 KDA sa larong tumagal lamang ng 11 minuto.

Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Ipinagpatuloy ng mga Malaysian ang atake sa game 4 at game 5, ngayon naman ay sa pangunguna ng kanilang gold laner na si Momo na epektibong sumelyo ng mga kills sa kaniyang Popol ang Kupa at Brody.

Sa pagkumpleto ng reverse sweep sa M3 Playoffs Day 6, aabante ang TDK sa lower bracket at tatapatan naman ang EVOS SG.


Alamin ang pinakahuling balita tungkol sa M3 World Championship sa pamamagitan ng pag-follow sa Facebook page ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Kairi, ONIC PH pinaluhod ang RRQ sa M3 upper bracket semis