Nilabas na ang patch 1.8.30 at maraming mga notableng pagbabago dito, kasama na ang revamped Moskov.

Kasabay ng kaniyang character model revamp, dumaan din sa mga malalaking adjustments ang skills ni Moskov, lalo na sa kaniyang ultimate ability na Spear of Destruction.

Ayon sa Moonton, ginawa nilang mas pino ang kaniyang ultimate para ma-unlock ang mas maraming oportunidad para sa kaniya sa digmaan, kahit na humina ang kaniyang ibang skills.

Gaano nga ba kalakas ang revamped Moskov sa Mobile Legends patch 1.8.30? Tignan ang overview ng mga pagbabago niya.



Lahat ng mga pagbabago sa revamped Moskov sa Mobile Legends patch 1.8.30 

MLBB revamped Moskov
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Attributes 

  • Physical attack growth bumaba mula 15.5 naging 12.5 
  • Base HP bumaba mula 2455 naging 2255 

Passive – Spear of Quiescence 

  • Skill 1 at 2 cooldown bumaba para sa bawat basic attack, naging 0.8s mula 0.5s 
  • Kaunting bawas sa foreswing time ng kaniyang basic attack para sa mas smooth na control experience 

Skill 1 – Abyss Walker 

  • Attack speed boost bumaba mula 1.15-1.5x naging 1.15-1.35x 

Ultimate – Spear of Destruction 

  • Kapag may natamaan na hero ang kaniyang ultimate, bubuo ito ng anino sa kanilang likod at ma-rerefresh ang cooldown ng Abyss Walker. Maari mong gamitin ang ultimate muli para mag-cast ng Abyss Walker mula sa lokasyon ng Shadow 
  • Pinakamabagal na slow duration mula 5s naging 3s 
  • Bumaba na base damage mula 600-800 naging 340-500 
  • Penetrate damage ay bumaba sa 1.1x base damage 

Sa kaniyang binagong ultimate na Spear of Destruction, nakatanggap ang revamped Moskov ng abilidad mag-teleport sa kahit anong lokasyon sa mapa.  

Ang kailangan mo lang ay makatama ng kalaban gamit ang kaniyagn spear, at maari siyang mag-teleport sa likod ng target na iyon. Siya ang kauna-unahang marksman hero na may global teleport ability. 

Ang mga pagbabago na ito ay nakapagpalakas sa mga kakayahan ni Moskov sa team fights at split-pushing. Dahil sa kaniyang revamped ultimate, maari siyang mag-split-push, sumali sa team fights, o depensahan ang base sa dulo ng mapa.



Dagdag pa riyan, ang enhancements na ito ay binibigyan siya ng kakayahan habulin ang mga umuurong na kalaban, basta’t matira niya ang mga ito gamit ang kaniyang spear. 

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita at gabay tungkol sa MLBB.

BASAHIN: Manalo ng hanggang 4,000 MLBB Diamonds sa ONE Esports MPLI 2023 Pick ‘Em Challenge