Nagsisimula nang mag-iinit ang Mobile Legends: Bang Bang scene sa North America.

Sa pagdating ng M4 North American Qualifier, maraming teams ang umaasang makakuha ng slot sa nalalapit na M4 World Championship, ang pinakamalaking international MLBB tournament, sa unang parte ng susunod na taon. Isang kilalang player na naghahanap ng team ay si Michael “MobaZane” Cosgun.

Nakilala si MobaZane sa kanyang pamumuno sa BTK sa M3 World Championship kung saan nagtapos sila sa ikatlong pwesto. Kamakailan ay inihayag ng jungler na meron na lamang dalawang natitirang miyembro sa kanilang team, siya at si Ian “FwydChickn” Hohl.

Dinagdag niya pang nasasabik silang mag-compete sa qualifiers kasama ang isang bagong team, na marahil ay kilala ng mga matagal nang sumusubaybay sa MLBB.

MobaZane at FwydChickn makikipagsanib-pwersa sa mga pinakamahusay at sikat na North American MLBB players

M3 World Championship MobaZane BTK
Credit: Mobile Legends Esports

Hindi naging madali ang mga bagay-bagay para sa North American squad mula nang matapos ang M3 World Championship campaign. Noong nakaraang buwan lamang ay umalis sa BTK sina ZIA at SHARK matapos nilang mabigong makapasok sa playoffs ng North America Challenger Tournament.

Inanunsyo rin ni Carti ilang araw na ang nakalipas sa kanyang YouTube page na nilisan na rin niya ang team sa hindi sinabing kadahilanan. Ngayong dalawa na lang ang natitirang miyembro sa squad, inilatag ni Zane ang kanyang plano para sa paparating na qualifiers.

“Me and FwydChickn will probably end up joining The Valley for the qualifier and if we win that we go to the M4 World Championship,” sabi niya.

Ayon kay Zane, ang roster ng The Valley ay bubuuin ng mga kilalang mukha sa MLBB competitive scene kabilang na ang dating BTK roamer na si SHARK, content creator at pro player na si Seonghun “Hoon” Jang, at dating MPL PH player na si Peter Bryce “Basic” Lozano.

Gosu Hoon Immortals
Credit: Immortals

Si Hoon ay kasalukuyang Wild Rift midlaner para sa Immortals, isang North American team. Dati siyang naging miyembro ng Team Gosu na kumatawan sa North America sa M1 World Championship. Kapag hindi siya nagko-compete, gumagawa siya ng MLBB content sa kanyang YouTube page, na kasalukuyang may 490,000 subscribers.

Si Basic ay naglaro rin para sa Team Gosu noong 2019 bago sumali sa MPL PH Season 5 Qualifiers kung saan sila ang nanalo. Ang kanyang team ay kinuha naman ng ULVL. Nang magtapos sila sa 7th-8th place at nawala ang kanilang slot sa sumunod na season, lumipat naman siya sa ONIC PH. Nagbalik siya sa America matapos ang isang season.

“Everyone on the team doesn’t have any issues except for FwydChickn and SHARK,” Dagdag ni MobaZane. “They have a minor personal issue with each other that needs to be addressed, but that’s about it.”

Hindi pa inaanunsyo ng Moonton ang petsa para sa M$ North American Qualifier o kung magkakaroon ba ng higit sa isang slot para sa rehiyon sa M4 World Championship.



Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.