Higanteng mga kupunan, bigating mga laban. Iyan ang naging daloy ng MPL PH Season 8 Playoffs Day 3 tampok ang mga bakbakan ng apat na natitirang teams para sa kanilang tangkang makuha ang korona.


BLCK vs NXPE: Gold lane ni OHEB, susi sa 3-0 sweep sa lower bracket semis

Credit: MPL Philippines/ Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Hindi man nakamit ang inaasahang upper bracket panalo kontra Smart Omega noong Day 2, hindi naman nagpatumpik-tumpik ang Blacklist International na bumwelta sa MPL PH Season 8 Playoffs Day 3 kontra Nexplay EVOS.

Malinis ang ginawang trabaho ng defending champs na umarangkada papunta sa 3-0 panalo, kaalinsabay ng pagbabalik ng kanilang superstar gold laner na si Kiel “OHEB” Soriano.

Credit: MPL Philippines/ Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Game 1 palang ay dama na agad ang gigil ni OHEB na naglista ng 739 gold per minute sa kaniyang Harith upang tulungan ang kaniyang kupunan makuha ang maagang kalamangan sa serye.

Credit: MPL Philippines/ Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Habang sa game 2, isinentro ng kupunan ng Tier One ang kanilang atake sa pagkuha ng objectives. Kahit pa nagtala lamang ng isang kill sa ika-17 minuto ng laro ay hindi ito naging hadlang sa pagbasag nila sa mga tore at pagselyo ng Lord papunta sa 2-0 abante.

Credit: MPL Philippines/ Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Hindi na lumingon pa ang Blacklist na ipinagpatuloy ang kanilang momentum sa game 3. Magilas na Natan gameplay ang isinalang ni OHEB para sa series closer, na nagtala ng lampas sa 85k damage dealt.

Sa MPL PH Season 8 Playoffs Day 3 panalong ito, aabante ang Blacklist sa lower bracket finals at haharapin ang Omega para sa inaantabayanang rematch.


ONIC vs OMG: Markyyyyy, Kairi bumida sa ikalawang sweep sa MPL PH Season 8 Playoffs Day 3

Credit: MPL Philippines/ Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Nanatiling malinis ang kampanya ng ONIC Philippines sa pagtatapos ng MPL PH Season 8 Playoffs Day 3.

Nagpabilib sa upper bracket finals kontra Smart Omega si Marky “Markyyyyy” Capacio sa kaniyang gold lane na lumapnos sa kalaban sa Game 1 at Game 2, habang nagningning naman ang Ling ni Kairi “Kairi” Rayosdelsol sa series closer.

Credit: MPL Philippines/ Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Hindi nakapalag ang Omega sa desimuladong atake ng ONIC na nagpamalas ng swabeng engage at disengage mechanics para kontrolin ang teamfights sa game 1.

Credit: MPL Philippines/ Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Ipinagpatuloy ng kupunan ni Coach Denver “Yeb” Miranda ang kanilang atake sa game 2 kung saan isinalang nila ang Pharsa ni Markyyyy na epektibo sa kaniyang zoning at burst damage.

Credit: MPL Philippines/ Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Lumabas naman ang kamandag ng tinaguriang “The Present” na hinawakan ang kaniyang pamosong Ling na kumulit sa backlines ng Omega, at nagseguro ng tower push at Lord takes sa larong tumagal ng 28 minuto.

Sa kongklusyon ng MPL PH Season 8 Playoffs Day 3, ONIC PH ang unang makakaselyo ng tiket papunta sa Grand Finals at haharapin ang mananalo sa Blacklist at Omega lower bracket finals.


Alamin kung sino ang mag-uuwi ng korona sa pamamagitan ng pagsubaybay sa Facebook page ng ONE Esports Philippines!