Sa unang pagkakataon, sasabak ang Chinese organization na Nova Esports sa international pro play sa ONE Esports Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2023 (MPLI 2023).

Bagamat hindi pa nakaharap ng sinumang pro team sa isang torneo, masugid nilang pinapanood ang ginagawa ng mga team sa pro games para basahin ang istratehiya at laruan ng mga ito.

Sa isang eksklusibong panayam kasama ang ONE Esports, tinanong ang bawat miyembro ng koponan kung sinong pro player ang tinitingala nila kasabay ng pagpasok sa inaantabayanang tournament.

Bagamat magkakaiba ang tugon ng mga player, may isang partikular na MPL PH pro na pare-pareho silang tinitignan.



Nova Esports players tinitingala ang ECHO mid laner na si Sanji— heto kung bakit

ECHO Midlaner Sanji
Credit: ONE Esports

Pareho ang admirasyon ng EXP laner ng team na si ZiHao “Sadboy” Chen at midlaner ZiRi “Ziri” Chen para sa ECHO mid laner na si Alston “Sanji” Pabico.

“Napanalunan niya ang world championship sa murang edad,” saad ni Sadboy. “Talagang kahanga-hanga iyon.” 

Sumangayon si Ziri sa sentimyento. “Napakagaling niya.”

May magandang rason kung bakit tinitingala si Sanji hindi lamang ng kapwa niya pro, kundi ng fans na pamilyar sa matarik na kumpetisyon sa MLBB.

Eksklusibo: Ama ni ECHO Sanji isinantabi ang pangarap na maging pro

Kahit 18-anyos pa lamang, napatunayan na ng midlaner na isa siya sa pinakamagagaling sa buong mundo. Malaking bahagi ang kaniyang play para makalawit ng ECHO ang korona sa M4 World Championship at MPL PH Season 11.

Samantala, may ibang players naman na iniidolo ang ibang miyembro ng Nova Esports.

Calvin "CW" Winata , ang gold laner ng ONIC Esports
Credit: ONE Esports

Ani ni JunLi “Guoguo” Zeng, malaki daw ang pagtingin niya sa kapwa niya gold laner na si Calvin “CW” Winata mula sa ONIC Esports, habang si YuanBo “Vikor” Xu ay big fan naman ni Ralph “Flick” Hamoy mula sa Team Max ng Cambodia.

Sundan ang biyahe ng Chinese team sa darating na MPLI 2023 kung saan kakaharapin nila ang bigating AP Bren, TheOhioBrothers at Dewa United sa Group A.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Mobile Legends.

BASAHIN: Road to MPLI 2023: Makakabawi ba ang TheOhioBrothers sa international stage?