Nagwagi ang Nexplay EVOS kontra sa TNC, 2-0, sa unang linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Season 10 (MPL PH Season 10).
Natalo ang team sa Blacklist International, 1-2, noong opening day, at nakuha ang kanilang unang panalo mula sa TNC.
Parehong pangil sa pangil ang tindi ng laban sa dalawang games, ngunit nangibabaw pa rin sa huli ang Nexplay dahil sa matalino nilang decision-making in-game, na nakita sa husay ng pag-backdoor ni Mico “Micophobia” Quitlong sa game one.
Panoorin ang nakakabilib na Natalia play ni Micophobia laban sa TNC

Sa game one, matapos masira ng Nexplay ang lahat nang towers ng TNC, tatlong sa kanilang mga miyembro ang naka-secure ang Enhanced Lord buff sa 13-minute mark. Ngunit hindi umatras ang TNC, at nagawa nilang mapigilan ang Lord bago pa ito makapasok sa kanilang base.
Nang habuling ng TNC ang apat na players ng Nexplay papunta sa bot lane river, biglang liko naman ang ginawa ng Natalia ni Micophobia papunta sa blue buff ng TNC sa top lane. At dahil abala ang TNC, agad siyang tumakbo papunta sa top lane upang samahan ang mga enhanced minions.
Sinubukan ng TNC na gumamit ng recall, ngunit huli na ang lahat dahil nawasak na ni Micophobia, sa tulong ng mga minions, ang kanilang base sa pamamagitan ng ilang basic attacks.
*
*
Naipanalo rin ng Nexplay ang sumunod na game salamat sa mahusay na Beatrix performance ni Mariusz “Donut” Tan, na tinanghal na MVP ng game dahil sa kanyang 12/2/5 KDA.
Micophobia nagkwento tungkol sa kanyang game one performance at unang season sa Nexplay EVOS

Sa isang post-match interview, inalala ni Mico kung anong tumatakbo sa kanyang isip sa mga huling sandali ng unang game.
“Sobrang nakakatuwa po kasi ‘di ko ineexpect na maiisip ko yun,” sabi niya. “Nasa isip ko lang nun is mag-recall na kasi wala na akong skills, wala na rin akong buhay so kumbaga sinugal ko na lang din.”
Ikinwento rin niya ang kanyang unang season kasama ang Nexplay EVOS, at sinabing naging madali ang kanyang paglipat mula ONIC PH.
“Ngayong season po, sobrang dali lang po nabuo ng synergy namen kasi sobrang dali lang po nila i-approach,” kuwento ni Micophobia. “As in one week lang po, naging okay na po kami.”
Susunod na makakaharap ng Nexplay EVOS ang Bren Esports sa September 3, Sabado, 6 p.m. GMT+8.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.