Ipinakilala na ang mga manlalarong bubuo sa roster ng Nexplay EVOS Tiger Cubs para sa kauna-unahang season ng Mobile Legends: Bang Bang Development League Philippines (MDL PH).

Pangungunahan ito ng dalawang manlalaro mula sa roster ng Nexplay EVOS noong nakaraang season ng MLBB Professional League Philippines (MPL PH) na sina Lance Walter “LanceCy” Cunanan at Ken Louie “Kzen” Pile.

Matatandaang noong ikapitong season ng liga unang ipinakilala si LanceCy bilang miyembro ng naturang koponan, habang isa naman sa mga rookie noong ika-10 season ng MPL PH si LanceCy.

Kukumpletuhin ang roster ng NXPE Tiger Cubs ng mga miyembro mula sa Nexplay Esports 2.0, ang amateur team ng organisasyon.



Roster ng NXPE Tiger Cubs sa MDL PH Season 1

LanceCy at Kzen pangungunahan ang NXPE Tiger Cubs sa MDL PH Season 1
Credit: MDL Philippines
  • Lance Walter “LanceCy” Cunanan
  • Ken Louie “Kzen” Pile
  • Martin Kian “Sana” Viray
  • Jhon Marl “Lord JM” Sebastian
  • Oscar “Sumpak” Romero Jr.
  • Brian Miles “Spider-Milez” Santos
  • Charles Rounceville Lumaque (Coach)

Nakatakdang bumida ang NXPE Tiger Cubs kontra ONIC Arsenals sa unang araw ng MDL PH Season 1. Idaraos ang kanilang harapan sa ika-15 ng Pebrero, sa ganap na ikalawa ng hapon.

Masusubaybayan ang bagkbakan sa opisyal na YouTube channel at Facebook page ng MDL Philippines.

Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Bakit pinili ni Rapidoot na maglaro sa MDL kaysa sa MPL?