Matapos ang kapana-panabik na banggaan kontra Blacklist International sa MPL Invitational 2021 Grand Finals, usapan ngayon sa eksena kung paano nagawa ng ONIC Esports kontrahin ang dati ay hindi matinag na Ultimate Bonding Experience o UBE strategy ng Filipino team.

Credit: ONE Esports/ Screenshot ni Calvin Trilles

Sa isang eksklusibong panayam ng ONE Esports Philippines, inilarawan ng MPLI 2021 Champions ang kanilang mentalidad sa inantabayanang matchup, kasama na din ang ilang saloobin matapos ang inantabayanang bakbakan.


Nilaro ng ONIC ang kanilang istilo at hindi nagpokus kontrahin ang UBE ng Blacklist

Credit: ONE Esports/ Screenshot ni Calvin Trilles

Taliwas sa iniisip ng marami, hindi raw sinentro ng ONIC ID ang kanilang atake para kontrahin ang UBE ng Blacklist. Anila, ganito daw mismo ang nangyari noong game 1 kung saan pinaluhod sila ng Pinoy team.

“Firstly, we tried to fight and counter Estes, but we failed. So we choose to play our own style. We beat Blacklist with our own Meta,” ani ni Mars.

Simple lamang daw ang naging ideya nila pagpasok ng Game 2 para harapin ang UBE ng Blacklist. “Reset and ban Estes,” dagdag niya.

Nagsilbi daw itong panggising sa kanila para rumibanse sa mga sumunod na laro kung saan nakuha nila ang momentum at hindi na lumingon pabalik.

“Actually, Blacklist members are very comfortable with their own style of play, so we shouldn’t be lured into the situation. Play your best META is the key to beat Blacklist,” banggit naman ng ONIC Esports coach na si Ronaldo Aditya Lieberth.


Malaking bahagi ang YSS plays ni Sanz sa harap ng UBE ng Blacklist

Credit: ONE Esports

Sa tanong naman kung planado ang Yi Sun Shin picks para sa kanilang atake kontra sa mga kampyon ng MPL PH, inamin nilang kumpiyansa sila sa pagmaniobra ng kanilang jungler na si Sanz sa marksman/assassin hero.

“We have the best YSS player in Indo. So we are confident. We asked Sanz to play YSS and his answer is yes, no problem.”

Matatandaang susi ang galawan ni Sanz sa game 2 at game 3 na nagbigay ng kalamangan para sa mga Indonesians. Magilas na iniwasan at pinitas ng YSS ni Sanz ang mga miyembro ng Blacklist para ilista ang magkasunod na 10/0/3 at 5/0/5 KDA papunta sa dalawang MVP gantimpala.

Bukod sa magnipikong galawan ng itinanghal ng MPLI MVP, malaking bahagi din na isa itong deny pick kay Danerie “Wise” Del Rosario ng Blacklist na isa ring kilala na espesyalista sa YSS.

Paglilinaw pa rin ng mga kampyon, hindi raw sa lahat ng panahon aplikable ang pick na ito, lalo na kung kaharap ang UBE ng Blacklist.

“It depends. Aggressive marksmen means we are weak in the early and can be pressed. The key is to be confident with our playing style, there is no fix way to beat blacklist. We beat them in our own meta.”


Nais mo bang makabasa ng mga eksklusibong panayam katulad nito? Sundan lamang ang ONE Esports Philippines sa Facebook para malaman ang saloobin ng paborito mong pros!