Tagumpay ang ONIC Philippines sa tangka nilang pag-bawi kontra Nexplay EVOS matapos paluhurin ang bantog na kalaban, 2-1 sa Week 5 Day 3 ng MPL Philippines Season 9.

Susi ang isang Iron Hook play ng Franco ni Allen “Baloyskie” Baloy sa bandang Lord Pit 15:46 minute sa Game 3 kung saan nahuli niya ang Ruby ni Kenneth “Cadenza” Castro para tuluyang puksain ang depensa ng NXPE sa objective. Dahil sa initiation na ito ni ONIC PH Baloyskie ay napagulong niya ang death push ng kaniyang team para itabla ang regular season series.

Sa post match interview, inilarawan ni ONIC PH Baloyskie ang naging gitgitan niya ng kalabang roamer, at kung ano ang nasa isipan niya bago gawin ang game-changing play.


ONIC PH Baloyskie inaming mataas ang respeto kay NXPE CADENZA

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Hindi nagpigil si ONIC PH Baloyskie na ipahayag ang kaniyang gigil kay CADENZA na standout player para sa kaniyang koponan. Ani ng kapitan, “Ganoon naman eh. As a competitor, kung sino yung magaling doon ka manggigigil. Sa totoo lang, may respeto naman din ako sa kaniya. Parang siya talaga yung natarget ko.”

Malaki ang impact ng Ruby tank ng NXPE roamer sa Game 3 na muli’t-muling nagpakaba sa ONIC PH dahil sa kaniyang crowd control ability, partikular na sa 12:15 punto ng laro kung saan kamuntikan ng matapos ng Nexplay ang laban kung hindi lang nila nakuha ang Lord objective.

Kaya naman sa ani ni ONIC PH Baloyskie, target niya talagang makuha si CADENZA para maiwasan muli ang nangyari sa play na ito. “Siya po kasi yung nagpapahirap sa amin eh. Yung Ruby ni CADENZA. Kaya po siya yung tinarget namen. Kasi kung wala na po siya mas madali na po naming ma-initiate yung clash,” paliwanag ng beterano.

Habang pinapanood ang highlights, inilarawan din ni Baloyskie ang katwiran para simulan ang engagement gamit ang Franco sa turning point ng laro. “Alam kong pag namatay yan, kaya na naming ubusin lahat. Buti nalang malayo yung mga kampi niya. Di ko rin nakita eh pero tingin ko ready naman kami in-case na ganoon.”

ONIC PH bumwelta kontra NXPE, itinabla ang season series

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Tatlong maiinit na laro ang inihandog ng dalawang teams sa huling araw ng Week 5 ng MPL Philippines Season 9. Sa Game 1, kumamada ang Aulus ni Kairi sa late game para tulungan ang maagang kalamangan ng ONIC PH. Magilas na 11/3/2 KDA inilista ng superstar jungler para buksan ang serye.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Hindi naman pumayag ang NXPE na mawalis ng mabilisan dahil pasabog na Game 2 rebanse ang inihandog nila para sa mga fans. Mamaw na Esmeralda ang isinalang ni Rainiel “URESHIII” Logronio na tumanggap ng lamang sa 108k damage dealt at nagpakawala ng halos 55k damage para sa Nexplay.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Pagdako naman ng Game 3 ay ninakaw ng koponan ni Coach Denver “Yeb” Miranda ang Franco pick ng NXPE para ipahawak kay ONIC PH Baloyskie na gumawa ng malamilagrong play sa late game para bigyang daan ang tuluyang pagbasag ng base ng koponan niyang top 4 na ngayon sa standings.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuling balita tungkol sa MPL.

BASAHIN: Lolita ni Benthings binuhat ang TNC tungo sa panalo kontra Blacklist at No. 1 spot sa standings