Bumida si captain-roamer Ben “Benthings” Maglaque sa 2-1 reverse sweep ng TNC Pro Team laban sa reigning champion na Blacklist International na nagdala sa kanila sa tuktok ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) Season 9 sa kasalukuyan.

Nagpakitang-gilas ang Lolita ni Benthings sa deciding Game 3 upang makumpleto ng TNC ang season sweep kontra Blacklist at malampasan ang super team ng ECHO sa ibabaw ng eight-team standings.


Nagpasiklab ang Lolita ni Benthings sa huling laban

Credit: MPL Philippines

Nakuha ng Blacklist International ang unang panalo sa serye sa likod ng Lunox ni Salic “Hadji” Imam ngunit nakatabla ang TNC Pro Team sa pangunguna ng Dyrroth ni Mark “Kramm” Rustana at Khufra ni Benthings sa ikalawang laro.

Pagdating ng Game 3, nakaratsada ang TNC sa mid game sa pamamagitan ng malulupit na Noumenon Blast initiations ng Lolita ni Benthings na nakapag-set up ng pickoffs para kay Daniel “SDzyz” Chu (Lancelot) at Jomarie “Escalera” Delos Santos (Kagura)

Nagpatuloy ang pag-arangkada ng TNC at muntik pa nga sila makapaglista ng isa na namang perfect game gaya ng ginawa nila kontra Smart Omega kung hindi lang napatumba sina Escalera at Kramm (Yu Zhong) sa magkahiwalay na team fight.

Sa bandang 14-minute mark habang nagsi-siege ang TNC sa bottom inhibitor ng Blacklist, pumasok ang Lolita ni Benthings sa gilid ng base gamit ang Charge! (first skill) sabay set up ng Noumenon Blast plus side Flicker combo na tumama kila Xavier “Kevier” Lopez (Aulus) at Kiel “Oheb” Soriano (Kimmy).

Credit: MPL Philippines
Screenshot ni Jeremiah Sevilla/ONE Esports

Agad na nag-follow up sina SDzyz at Kramm para mapuksa ang dalawa at tuluyang na-team wipe ng TNC ang Blacklist upang iselyo ang 14-2 panalo sa loob ng 14 minuto.

Hinirang na MVP ng laro ang Lolita ni Benthings matapos niyang magtala ng perpektong 1/0/11 KDA at 85.71% kill participation na nanggaling sa kanyang mga nakakamanghang initiation.

Lolita ni Benthings ang MVP sa Game 3
Credit: MPL Philippines

Dahil sa tagumpay, tumalon ang TNC sa solo No. 1 tangan ang kanilang 19 points mula sa 6-3 series record.

Bagamat natalo, nakakuha ng isang puntos ang BLCK at sila’y nakaangat sa No. 7 dala ang kanilang nine points. Subalit nadulas ang back-to-back MPL champs at M3 winner sa kanilang ikaapat na sunod na pagkatalo sa gumugulong na liga.


Subaybayan ang mga kaganapan sa MPL Philippines sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.