Binigyang-linaw ni Coach Jaime “Pakba1ts” Abalos ang rason sa likod ng pag-alis nina Jhonville Borres “OUTPLAYED” Villar at Romiere “Allidap” Padilla mula sa kanilang Mobile Legends roster.

Karugtong ito ng anunsyo na lumabas sa social media kamakailan kung saan nagpaalam at nagpasalamat ang esports organization sa kontribusyon nina OUTPLAYED at Allidap sa team.

Sa MSC Send-Off Press Conference, inamin ni Coach Pakba1ts na may teams nang nagpapakita ng interes sa pagkuha sa dati niyang mga alaga.


May mga koponan ng interesado kina OUTPLAYED at Allidap

Credit: OUTPLAYED

Pinalawig ni Coach Pakba1ts ang dahilan sa pag-alis ng dalawang pro mula sa roster ng OMG. Aniya, “May mga kumukuha na rin sa kanila. Wala kasing mga tournament for amateur na pwede yung mga MPL [players] na hindi naglaro ng MPL. Dati kasi puwede eh kaya kineep namin sila dati.”

Pagpapatuloy pa ng coach, “Pero ngayon kasi, bawal na sila maglaro sa iba’t ibang tournaments na hindi MPL. Kaya ni-let go na namin sila na pumunta na ng ibang team para doon sila mag-grow as a player.”

Bagamat kasama sa roster ng koponan na nagtapos bilang 1st runner up ng MPL Philippines Season 9, kapos sa playing time ang dalawang pro sa gumulong na kampanya ng team.

Credit: Allidap

Sa pag-alis nina OUTPLAYED at Allidap, mananatili pa ring kumpleto ang core lineup ng Smart Omega kasama ang mga reserve players sina Kiel VJ “Kielvj” Hernandez, Billy “Z4pnu” Alfonso at Cesar “Amethyst” Santos.

Smart Omega Roster

  • Duane “Kelra” Pillas
  • Joshua “Ch4knu” Mangilog
  • Renz “Renzio” Cadua
  • Dean “Raizen” Sumagui
  • Patrick “E2MAX” Caidic
  • Billy “Z4pnu” Alfonso
  • Jefferson “AMETHYST” Santos
  • Kielvj “Kielvj” Hernandez

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuling balita tungkol sa MPL.

BASAHIN: Lusty kumalas na sa Bren Esports