Papalapit na ng papalapit ang pagbubukas ng pinakamalaking Mobile Legends: Bang Bang tournament sa Southeast Asia. Sa pagkakataong ito, bibigyan ng tiyansa ng Moonton ang mga miron na mapanood ng live ang MSC 2022 na gaganapin sa The Malaysia International Trade and Exhibition Center (MITEC).

Kung isa ka sa mga interesadong manood sa offline event, ganito makakuha ng tickets sa MSC 2022.

Credit: MITEC sa Facebook

Paano makakuha ng tickets sa MSC 2022 at iba pang detalye sa offline event

Kapanapanabik ang naganap na MSC 2021noong nakaraang taon bagamat online ang event dahil sa COVID-19 restrictions. Sa naturang event, inuwi ng Execration (ngayon ay Smart Omega) ang kampeoanto kontra sa kapwa Pinoy team na Blacklist International.

Ngayong taon, inaasahang mas magiging exciting ang bakbakan dahil kasabay ng pagbabalik ng international patimpalak ay ang pagbabalik din ng live audience.

Sa MSC 2022 Press Conference, inilahad ng Moonton na maaaring mapanood ng fans live ang playoffs na tatakbo mula June 15 hanggang June 19. Samantala, gaganapin pa rin online ang group stage at ang unang araw ng playoffs.

Credit: Moonton

Kasabay nito, ang tickets sa MSC 2022 ay magkakahalaga ng 25 hanggang 40 MYR (PhP 300 hanggang PhP 450) ngunit magdedepende pa rin ito sa laban at sa availability ng seats.

Bukod sa mainit na aksyon, may tiyansa ding manalo ang attendees ng Epic skin, MSC 2022 merch at iba pang rewards. 

Para makakuha ng tickets sa MSC 2022, bisitahin lamang ang official vendor ng event na Ticket2u. Bisitahin ang Mobile Legends: Bang Bang sa Facebook para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paparating na MSC event.

Huwag kalimutang sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang anunsyo at balita tungkol sa MSC.

BASAHIN: Bakit wala si Coach Panda sa MSC 2022 para sa RSG PH? May patikim na sagot si Coach Giee