Ilang sandali pa lamang ang nakalipas matapos ilabas ang Novaria sa Mobile Legends: Bang Bang ngunit napatunayan nang pambihira ang kayang gawin ng hero.

Bagamat bitin sa flashy moves tulad ng kayang gawin sa Lunox at Gusion, ang bukod-tanging skillset ng hero ang siyang umaakit sa mga manlalarong gamitin siya sa Land of Dawn.

Gamit ang skill na Astral Recall, kaya niyang magpakawala ng sandamukal na damage mula sa malayo, habang ang Astral Echo naman ay pambihirang skill na nakakatulong para matunton ang sinumang kalaban sa mapa.

Mahihirapan ang sinuman na makaharap ang mahusay na Novaria player lalo na kung nagagawa nito na maabuso ang range ng mage at abilidad nitong magtago sa mapa.

Gayunpaman, may ilang picks na kayang magpahirap sa hero, magaling man ang humahawak nito o hindi.

Heto ang tatlong mainam na counterpicks sa Novaria at kung bakit.


Tatlong heroes na maaring pangontra sa Novaria sa Mobile Legends

Gusion

Credit: Moonton

Kaharap ang Novaria na hero na sumasandal sa pagtama ng kaniyang skill shots, isang karakter na kayang magpahirap sa galaw niya sa mapa ay ang mage assassin na Gusion.

Pambihirang mobility at engage mechanic kasi ang karga ng Gusion kung kaya’t kaya niya gawing alanganin ang buhay ng Novaria player kahit pa nakatago ito sa backlines.

Kung hawak mo ang Gusion bilang midlaner, mainam na abangan ang level four power spike nito, at maagang bumuo ng Genius Wand para sa maagang damage boost. Para masigurado ang kills, maaaring kumuha ng Execute para sa battle spell. Sa paraang ito, malaki ang tiyansa na mapugo ang Novaria at maiwasan ang pagsnow-ball nito.


Harley

Credit: Moonton

Isa pa sa maaaring panapat sa Novaria sa midlane ay ang Harley. Gaya ng Gusion, isa rin kasing madulas na hero ang Harley at may kakayahan na pakawalan ang burst damage lalo na kung kaharap ang hero tulad ng Rebel Star na bitin sa escape abilities.

Kapag dumako na sa level four, maari nang abusuhin ng Harley ang kaniyang Space Escape + Deadly Magic + Poker Trick combo para muli’t-muling pitasin ang Novaria para sa early game kills.

Sigurado ang kill kung 50% na lamang ang buhay ng Star rebel sa kapag nagkataon, pero kung hindi ay maaari pa ring maselyo ang kill kung mapapatama ang Flameshot battle spell.


Natalia

Credit: Moonton

Bagamat maiisip na kontrapelo ang Novaria sa Natalia dahil sa kapabilidad niyang silipin ang lokasyon ng kalaban, maaaring mabaliktad ng assassin hero ang sitwasyon kung sisilipin ang kaya niyang gawin sa mage.

Kaya kasing makakuha ng Natalia ng early kills kontra sa hero gawa ng kaniyang burst combo mula sa Claw Dash at The Hunt, kasunod na din ng kaniyang pambihirang mobility.

Sa team fights, mainam na bantayan ang pagcooldown ng Star Recall ni Novaria bago pumasok sa backlines. Kailangan ding maingat sa positioning dahil sa Astral Echo ability ng Novaria.

Maagang pagbuo ng Blade of Heptaseas at Hunter’s Strike ang susi para maagang mapigilan ang bagong hero at mabura agad ito sa mapa.


Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang guides sa MLBB!

BASAHIN: Kayang pumalag ng 3 heroes na ito sa Yin sa Mobile Legends