Na-knockout ng Paquito ni Markyyyyy ang baong ‘Hito buff’ ng Smart Omega matapos ma-reverse sweep ng ONIC PH ang serye.

Dikdikan ang ikalawang seryeng tampok sa unang araw ng ikapitong linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) Season 9. Wala sa dalawang koponan ang nais magpadaig, hanggang sa mag-init ang kamao ng M3 World Championship gold laner.

Paquito ni Markyyyyy, hinirang na MVP sa rubber match ng ONIC PH at Smart Omega

Paquito ni Markyyyyy, bumida sa reverse sweep ng ONIC PH kontra Smart Omega
Credit: MPL Philippines

24 minuto na ang nakalipas sa ikatlo at huling laban ng serye pero wala sa dalawang koponan ang may tiyak na hawak sa pagkapanalo.

Matagal-tagal nag-ambahan sa may Evolved Lord ang Smart Omega at ONIC PH dahil maaaring ito ang makapagdidikta sa magiging resulta ng laro. Napababa na sa higit 900 ang buhay ng naturang objective at mamamataang nakatutok ang Renner’s Apathy ng Beatrix ni Kelra dito.

Pero mula sa may damuhan sa may jungle area ng blue side, lumabas ang Paquito ni Markyyyyy para unahan ang bala ng sniper at maselyo para sa kanyang koponan ang lakas ng Evolved Lord.

Paquito ni Markyyyyy, bumida sa reverse sweep ng ONIC PH kontra Smart Omega
Credit: MPL Philippines | Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Ang Jab na nakapagpatumba sa Lord ay ang parehong suntok na tumapos sa Smart Omega. Bigo na kasi silang madepensahan ang buong-puwersang atake ng ONIC PH nang makapasok ito sa kanilang base.

Bukod sa pagselyo ng importanteng objective, nag-ambag din ang Paquito ni Markyyyyy ng anim na kills at walong assists kontra apat na deaths para hiranging MVP ng mapa.

Paquito ni Markyyyyy, bumida sa reverse sweep ng ONIC PH kontra Smart Omega
Credit: MPL Philippines | Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Umangat sa ika-apat na puwesto ng standings ang ONIC PH matapos ang reverse sweep kontra Smart Omega. Kaakibat nito ang 17 puntos, na susubukan pa nilang dagdagan sa pakikipagharap kontra TNC Pro Team sa linggo, ikatlo ng Abril.

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Philippines, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Demonkite aminadong inspired ni Wise ang kanyang Karina gameplay