Nagtala nanaman ng bagong viewership recod ang Mobile Legends: Bang Bang sa 31st Southeast Asian Games.

Umabot ng 2.2 million peak concurrent viewers ang naturang MLBB event kung saan nagharap ang mga kinatawan ng Indonesia at Pilipinas para sa gintong medalya.

Patunay ito na buhay na buhay pa rin ang pagiging magkaribal ng dalawang bansa ngayong 2022.

10 beses mas marami ang peak viewers ng 31st SEA Games kesa sa 30th SEA Games

Peak viewers ng 31st SEA Games MLBB grand final umabot ng 2.2M
Credit: Esports Charts

Ayon sa Esports Charts, ang grand final series sa pagitan ng bansang Indonesia at Pilipinas ang nakakuha ng pinakamataas na peak viewers sa turneo. Ang sumunod na serye na may pinakamaraming viewers ay ang laban sa pagitan ng Indonesia at Malaysia sa playoffs, na may 1.74 milyong peak viewers.

Kasama rin sa top five most-watched games ang iba pang laban ng Indonesia at Pilipinas.

Higit 17 milyon ang hours watched ng turneo, at ang karamihan ng mga manonood ay nagmula sa Indonesia.

Ibinatid ng Moonton na nagkaroon ng 10 beses na pagtaas ang concurrent viewers kumpara sa ika-30 SEA Games noong 2019, na may 284,888 peak viewers.

Peak viewers ng 31st SEA Games MLBB grand final umabot ng 2.2M
Credit: SEA Games

Tagumpay na napensahan ng SIBOL, ang national MLBB team ng Pilipinas na binubuo ng mga miyembro mula sa Blacklist International, ang gintong medalya sa grand final ng 31st SEA Games sa iskor na 3-1.


Para sa karagdagang balita sa esports, at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Coach BON CHAN sa V33Wise matapos iuwi ang ginto sa 31st SEAG: ‘Worth it ang pag-skip nila ng S9’