Anim na koponang nangibabaw noong walong linggong regular season ang patuloy na maglalaban-laban para sa mga premyo sa MPL PH Season 9 playoffs.

Bukod kasi sa pinaka-aasam na kampeonato, na makukuha ng bagong koponan matapos ang dalawang-sunod na season, nakataya rin ang pinakamalaking bahagi ng prize pool, maging ang pagkakataon na maging kinatawan ng Pilipinas para sa Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup (MSC) 2022.

Narito ang mga paglalaban-labanang premyo sa MPL PH Season 9, gaya ng prize pool distribution, special awards, at MSC 2022 qualification.


Breakdown ng perang premyo sa MPL PH Season 9 playoffs

Mahigit ₱3.70 milyon ang prize pool ng MPL PH Season 9 playoffs. Paghahatian ito ng anim na koponan base sa taas ng placing nila sa turneo. Narito ang breakdown ng prize pool:

Ang mga premyo sa MPL PH Season 9 playoffs na paglalabanan ng mga koponan
Credit: MPL Philippines, ONE Esports

Magbibigay din ang liga ng dagdag parangal sa Finals MVP. Ang manlalarong ito ay pipillin ng mga opisyal ng MPL officilas mula sa koponang magtatagumpay. Makakatanggap ang mapipiling manlalaro ng US$1,000, o higit ₱50,000.

Paglalaban-labanan din ng mga koponan ang pagkakataong makasali sa MSC 2022 bilang kinatawan ng Pilipinas. Ang pagkakataong ito ay mapagkakaloob sa dalawang grand finalist ng MPL PH Season 9 playoffs.

Matatandaan na ang Pilipinas din ang kasalukuyang may hawak ng championship title ng MSC matapos itong maselyo ng Execration noong nakaraang taon.


Nakatakdang ganapin ang MPL PH Season 9 playoffs simula ika-28 ng Abril hanggang sa ika-isa ng Mayo. Bisitahin ang link na ‘to para sa schedule, resulta, at listahan ng mga channel kung saan mapapanood ang palaro.

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Philippines, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Paano bumili ng tickets para sa MPL PH Season 9 playoffs watch party