Inilathala na ang mga petsa kung kailan maglalaro sa 2021 Southeast Asian Games (SEA Games) ang national Mobile Legends: Bang Bang team ng Indonesia.
Matapos masungkit ang silver medal noong nakaraang SEA Games, gigil ngayon ang Indonesian MLBB team na mai-uwi na ang gintong medalya. Bakas ito sa mas organisadong player selection system at mas mature na paghahanda.

Sa ngayon, binubuo ang Indonesian MLBB team ng pitong manlalaro. Sila ay sina Alberttt, R7, Vynnn, Kiboy, CW, Sanz, at Luminaire.
Noong nakalipas na tatlong linggo, lahat ng miyembro ng nasabing national team ay sumasailalim sa pagsasanay buong weekday, bago sumalang naman sa MPL Indonesia Season 9 tuwing weekends.
Mga petsa kung kailan maglalaro ang Indonesian MLBB team
Ibinahagi ng chairman ng esports body ng Indonesia na si Ibnu Riza sa isang TikTok live session ang mga petsa kung kailan tatampok sa 2021 SEA Games ang national MLBB team ng Indonesia.

Darating daw ang koponan sa Presidential Palace sa ikasiyam ng Mayo at aalis papuntang Vietnam sa susunod na araw.
Ang Indonesian MLBB team daw ang huling kinatawan ng bansa na maglalaro. Ang kanilang mga laban ay gaganapin simula ika-20 hanggang ika-23 ng Mayo.
Samantala, hindi pa tukoy ang schedule ng ibang koponang kalahok.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Indonesia, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: MobaZane dumating na sa Pilipinas, nais makipag-collab sa MPL PH players