Kilala ang EVOS SG bilang isa sa mga pinakamahuhusay na koponan sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Singpore (MPL SG). Gumawa sila ng kasaysayan bilang ang kauna-unahang back-to-back champions ng MPL SG Season 1 at 2, at nagsilbi na rin silang kinatawan ng bansa sa iba’t-ibang international MLBB tournaments.

Sa kasamaang palad, hindi na muling makapapagpakitang-gilas ang koponan. Inanunsyo ng EVOS SG sa isang Facebook post na pinakawalan na nila ang lahat ng mga miyembro ng kanilang koponan. Kinumpirma rin ng dati nitong EXP laner na si Stefan Chong “Soul” Ru Chyi sa ONE Esports na hindi na sasali ang koponan sa susunod na season ng liga.

Ngayong free agent na lahat ang mga miyembro ng EVOS SG, ibinahagi ni Soul ang plano nila para sa susunod na season.

Ang reaksyon ng players sa pagkakabuwag ng EVOS SG

Ano na ang plano ng mga dating EVOS SG players? Ito ang masasabi ni Soul
Credit: EVOS SGMY

Sa isang eksklusibong interview kay Soul, ibinahagi niya sa ONE Esports na naharap sa isang mabigat na business decision ang upper management ng EVOS ngayong taon.

“There were considerations to drop the Singapore division a long time ago, but it stayed due to good performance,” aniya.

(Matagal nang kino-consider na bitawan ang Singapore division, pero napanitili ito dahil sa magagandang performance.)

Bigong madepensahan ng white tigers ang kanilang back-to-back championship matapos silang mapangibabawan ng RSG SG, 1-4, sa grand final ng MPL SG Season 3. Noong MLBB Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022) ang huling turneong nilahukan ng koponan kung saan tinuldukan ng Omega Esports ang kanilang kampanya sa unang round ng lower bracket playoffs.

Ayon kay Soul, pare-pareho raw ng reaksyon ang kanyang mga kakampi nang malamang hindi na sasali ang EVOS SG sa susunod na season.

“They were shocked as it was such a sudden and big announcement,” paliwanag niya. “Considering that all of them are comfortable at EVOS, [they were] always grinding for their next tournament.”

(Nagulat sila dahil bigla at mabigat ang anunsyo. Lalo na’t kumportable na sila sa EVOS, parati silang nagsasanay para sa susunod na turneo.)

Saan na pupunta ang mga dating miyembro ng EVOS SG?

Ano na ang plano ng mga dating EVOS SG players? Ito ang masasabi ni Soul
Credit: Moonton

Ani Soul, karamihan sa mga dati niyang kakampi na gusto pang magpatuloy sa pagiging professional player ay may isang hiling.

“Some might retire,” bunyag niya. “But most of the players would very much like to continue and stick together as a team rather than be split into the other Singaporean teams.”

(‘Yung iba baka magretiro na. Pero karamihan sa mga player ay gusto pang magpatuloy at manatili sa isang koponan kesa maghiwa-hiwalay sa iba’t-ibang Singaporean teams.)

Nabanggit din ng 27-taong-gulang na manlalaro na iniwan na rin niya ang posisyon niya bilang Business Development Lead sa esports organization. “I am looking to stay within the esports industry still and hope to contribute of the entirety of the esports scene in the region,” sambit niya.

(Nagbabalak akong manatili sa esports industry at nawa’y makatulong sa kalakhang esports scene ng rehiyon.)

Samantala, wala pang balita kung magkakaroon nga ba ng MPL SG Season 4.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Paano maaapektuhan ng pag-disband ng EVOS SG ang Nexplay EVOS at EVOS Legends