Hindi na sasabak ang EVOS SG sa susunod na season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Singapore (MPL SG).

Ito ang kinumpira ng EXP laner ng koponan na si Stefan Chong “Soul” Ru Chyi sa ONE Esports, ilang araw matapos mag-post ang organisasyon ng kanilang pamamaalam sa naturang roster.

Ang siste, hindi pala papalitan ng mga bagong player ang dati nilang roster, bagkus ay hindi na talaga lalahok ang koponan sa MPL SG.

Soul, ibinahagi ang desisyon ng upper management ng EVOS SG

Eksklusibo: Hindi na kasali ang EVOS SG sa susunod na MPL, ayon kay Soul
Credit: EVOS SGMY

Ayon kay Soul, matagal-tagal na rin daw nakabinbin ang naturang desisyon.

“[This is the] direction set by the company’s upper management for the second half of 2022,” paliwanag niya sa ONE Esports.

(Ito ang direksyon na gustong tahakin ng upper management ng kumpanya para sa ikalawang bahagi ng 2022.)

Nang tanungin kung kukuha pa ba ng bagong players ang organisasyon para sa susunod na season, ibinahagi ni Soul na hindi roster shuffle ang sanhi ng desisyon.

“EVOS SG will not be participating in MPL SG, so it’s not just a roster change,” pagkumpirma ng EXP laner.

(Hindi na sasali ang EVOS SG sa MPL SG, kaya hindi lang siya roster change.)

Pinakawalan ang lahat ng player ng koponan na sina Du “Nick” Nicklaus, Tristan Christopher “Gear” Nathanael, Goh “Joxxx” Skye, Basil “Seilah” Ze, Adam “Adammir” Chong, Akihiro “JPL” Furusawa, at si Soul.

Kinikilala ang Sinapore-based organization bilang isa sa pinakamalakas na koponan sa rehiyon matapos nilang selyuhin ang MPL MY/SG Season 4. Nang magkaroon ng sariling liga ang bansa noong nakaraang taon, kumana ng back-to-back championship ang EVOS SG noong Season 1 at 2.

Eksklusibo: Hindi na kasali ang EVOS SG sa susunod na MPL, ayon kay Soul
Credit: EVOS SG

Nabigo silang palarin nang harapin nila ang RSG SG, ang koponang parati nila nakakaharap simula noong MPL SG Season 1, matapos silang talunin nito sa grand final, sa iskor na 1-4, noong MPL SG Season 3.

Nakabawi naman ang koponan nang irepresenta nila ang Singapore sa 31st Southeast Asian Games (SEA Games). Nakapag-uwi sila ng bronze medal matapos talunin ang Malaysia, sa iskor na 2-1, sa bronze medal match.

Noong MLBB Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022) ang huling turneo ng EVOS SG. Nauwi sa 7th-8th place ang kanilang kampanya matapos silang walisin ng Smart Omega sa unang round ng lower bracket.

Samantala, wala pang inilalabas na detalye patungkol sa susunod na season ng MPL SG.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Magkatuwang daw ang Blacklist International at Moonton para sa design ng M3 skin ni Estes, ayon kay Tryke