Hindi na bago para sa mga miron ang makita ang Team SMG na nagdaraos ng pre-game ritual nilang pagdarasal sa kanilang mga bakbakan sa MPL Malaysia. Patuloy nila itong ginawa sa MPL MY Season 9.

Hindi lang bawat simula ng kanilang matches mapapansin na nagsasabi ng kaunting dasal ang koponan. Minsan pa nga ay makikita silang nagdarasal bago magsimula ang bawat laro. Hindi malayo na isa ito sa mga itinuturing nilang rason kung bakit nanatili silang nasa rurok ng standings sa regular season.

Credit: MPL MY

Naibalita na si ZAIMSEMPOI ang nangunguna sa pre-game ritual ng Team SMG at bagamat hindi lahat ay Muslim, hindi ito naging hadlang para magsabi sila ng taimtim na panata at palakasin ang bawat miyembro nila.

Sa isang video na inilabas ng Team SMG sa Tiktok, mapapanood kung ano ang lagay ng mga miyembro habang sila ay nagdarasal bilang preparasyon sa kanilang match.

May mga bukod-tanging ginagawa ang mga team dito, kagaya na lamang ng pangunguna ni Smooth na magdasal ang koponan at pagsunod ni Harpist na binasa ang prayer bago kumain ayon sa turo ng Islam. 

Mababalikan na isa sa mga gabay na alinsunod sa Islamic teachings ang pagdarasal bago kumain bilang pasasalamat kay Allah.


Kampanya ng Team SMG sa MPL MY Season 9

MPL MY

Bilang defending champions, nanatiling nasa rurok ng kanilang game ang Team SMG sa MPL MY Season 9. Swabe ang naging takbo ng regular season ng koponan sa Group A kung saan nagtala sila ng 10 panalo kontra sa 3 talo.

Hindi man naging maganda ang kanilang takbo sa playoffs matapos mapurnada ngTeam Caracal, 2-0 sa lower bracket, nanatiling positibo ang koponan sa kanilang mindset para bumawi sa susunod na season.

Hindi malabong sa MPL MY Season 10 ay mananatiling matikas ang Team SMG, katuwang ng kanilang metikolosong pre-game ritual.

Sundan ang pinakahuling balita tungkol sa MPL sa pamamagitan ng pagsunod sa ONE Esports Philippines sa Facebook!

BASAHIN: Roam Fanny guide at 2 paraan kung paano ito ginamit sa MPL MY