Maraming hindi makakalimutang sandali na naganap sa MPL Philippines Season 9 playoffs, pero may dalawang pangyayari na talagang ginawang espesyal ang event para sa mga nagpunta sa venue.

Nag-propose kasi sila RSG PH head coach Brian “Coach Panda” Lim at TNC star roamer Ben “Benthings” Maglaque sa kani-kanilang girlfriend sa MPL PH stage sa SMX Convention Center matapos ang kanilang mga crucial na serye.


Ang sorpresang proposals nila Benthings at Coach Panda sa MPL PH Season 9 playoffs

Credit: ONE Esports PH

Bagamat bigong makapasok ang TNC Pro Team sa MPL PH Season 9 grand finals matapos matalo sa Smart Omega sa lower bracket finals, hindi nito napigilan si Benthings na tawagin ang kanyang longtime girlfriend na si Dayen Bello sa stage at ibitaw ang mahalagang tanong sa harap ng live audience.

“Ikaw ang trophy ko. May tanong sana ako sayo. Gusto mo ba akong samahan hanggang sa pagtanda natin?” wika ng Season 9 MVP candidate sabay luhod habang hinihintay ang sagot ng kanyang kasintahan.

Isang “yes” naman ang sambit ni Dayen at isinuot na ni Benthings ang singsing sa kanya sa gitna ng palakpakan at hiyawan ng mga tao sa venue.

Credit: MPL Philippines

Nangyari naman ang ikalawang proposal ilang sandali pagkatapos mapanalunan ng RSG PH ang kampeonato. Pinapunta ni Coach Panda ang kanyang girlfriend na si Jennifer Rigue sa stage at inalok ito ng kasal.

“Benthings did it first, but this is my own version. Thank you for always being my inspiration for three years. I love you so much,” wika ng two-time champion coach bago lumuhod.

Emosyonal naman ang naging sagot sa kanya ni Rigue. “How could I say no? You are Coach Panda, the best coach. So it’s a yes!”

Panoorin ang proposal ni Coach Panda sa ibaba.


Pwede niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa MPL at MLBB updates.