Kukuhanin ng Z4 Esports ang serbisyo ng beteranong pro na si Carlito “Ribo” Ribo Jr. Ito ay ginawang opisyal ng esports organization na pagmamay-ari ng Smart Omega player na si Billy “Z4pnu” Alfonso sa isang post noong June 23.

Sa unang bahagi ng taon, inanunsyo ng Bren Esports gold laner na magpapahinga muna siya bago magsimula ang MPL Philippines Season 9. Kalaunan ay nabigo ang Bren na makapasok sa playoffs sa naturang season kung saan nagtapos sila sa ikapitong puwesto sa standings.


Maglalaro si Ribo para sa esports team ni Z4pnu matapos ang 1 season hiatus

Credit: Z4 Esports

Mainit ang pagtanggap ng esports org sa 27-anyos na player. “He will be playing under our management and he’ll be with us throughout our journey on this scene,” sulat nila sa nasabing anunsyo.

Malaki ang iaambag ni Ribo sa MLBB team ni Z4pnu lalo pa’t isa siya sa mga pro players na may pinakamaraming karanasan sa local at international tournaments. 

Papalakasin lamang niya lalo ang koponan na kasulukuyang nagdodomina sa amateur eksena ng MLBB simula pa noong unai tong binuo. Sa huling taya, naiuwi na nila ang kampeonato ng MLBB Supremo LeagueUnderground League Season 6Codashop Global Series TournamentLakandiwa Cup Season 11, at Tambay League Summer Cup.

Pinakahuli sa mga tropeyong nakamit ng grupo ang Juicy Legends Q2 Championship kung saan pinataob nila ang Alpha Esports Pro sa iskor na 4-2. 

Credit: Z4 Esports

Wala pang balita kung susuingin ba ng koponan ni Z4pnu ang matarik na kumpetisyon sa MPL Philippines Season 10 o kung ipagpapatuloy nila ang dominasyon sa amateurs.


Sa isang vlog na inilabas ni Z4pnu noong nakaraang taon, inilahad niya ang malaking interes na makasali sa franchise league na MPL PH, ito ay kung magbubukas pa sila ng mas maraming slots.

Itinuturing na isa sa pinakamalakas na players sa rehiyon noon Ribo. Bukod sa dalawang ulit niyang nakamit ang tamis ng tagumpay sa MPL PH ay tinulunga niya rin ang Bren Esports na makuha ang M2 World Championship, ang unang kampeonato ng bansa sa M World Series.

Credit: Bren Esports

Dahil sa kaniyang pagkamada sa Aether Main at kalaunan ay sa Bren, marami ang tumitingin kay Ribo bilang GOAT o Greatest Of All Time sa larangan ng Mobile Legends sa Pilipinas.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Killuash at Rafflesia, pinakawalan ng ECHO