Nagpaalam na ang ECHO sa dalawang beteranong sina Ashley “Killuash” Cruz at Christian “Rafflesia” Fajura.

Idinaan ng ECHO ang balita gamit ang isang video na sumasariwa sa mga panahong nasa ilalim pa ng pangangalaga ng organisasyon sina Killuash at Rafflesia.

Kabilang ang dalawa sa mga orihinal na miyembro ng koponan, lalo na kung ipagsasaalang-alang ang naging kampanya nila sa ilalim ng Sunsparks at Aura PH, ang dalawang naunang organisasyon bago ang ECHO.

Ang kampanya nina Killuash at Rafflesia sa ilalim ng ECHO

Killuash at Rafflesia, pinakawalan ng ECHO
Credit: Moonton/MET Events

Bagamat nitong huling season lang napasama sa opisyal na roster ng ECHO si Killuash matapos putulin ang kanyang retirement mula sa professional scene, naging katuwang siya ni Rafflesia para makamit ang ilang kampeonato para sa organisasyon.

Matatandaan na ang Sunsparks noon ang unang koponan na nakapagtala ng back-to-back win sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines noong ika-apat at ikalimang seasons nito.

Nagpatuloy ang kanilang karera sa ilalim ng Aura PH nang mag-rebrand ang organisasyon mula Sunsparks. Bagamat hindi na nakaselyo ng kampeonato sina Killuash at Rafflesia, nanatili pa rin sila sa pinakamahuhusay na manlalaro sa liga.

Killuash at Rafflesia, pinakawalan ng ECHO
Credit: ECHO

Nang maging franchise league ang MPL Philippines noong ikawalong season at muling nag-rebrand sa ECHO ang Aura PH, nagpasya si Killuash na mag-retire muna. Nanatili naman sa roster si Rafflesia, bilang substitute. Nagtapos sa 5th-6th place ang kampanya nila matapos mabigo kontra Smart Omega sa play-ins.

Promising sana ang dating ng ECHO noong nakaraang season sa pagpasok nina Karl Gabriel “KarlTzy” Nepomuceno, Frediemar “3MarTzy” Serafico, Tristan “Yawi” Cabrera, at pagbabalik ni Killuash pero hindi nag-improve ang resulta ng koponan. Muli silang nabigo na makalampas sa play-ins matapos talunin ng parehong kalaban..


Sinundan nina Killuash at Rafflesia ang naunang pagpapalaya ng ECHO kina Aaron “Aaronqt” Lim, Jaymark “Hadess” Lazaro, at Rion “Rk3” Kudo.

Samantala, wala pang anunsyo kung ipagpapatuloy nina Killuash at Rafflesia ang kanilang karera.

Matatagpuan ang kumpletong listahan ng roster changes para sa MPL PH Season 10 dito.


Para sa mga karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Paglipat ng Pinoy players sa MPL Indonesia, ‘welcome’ sa Moonton