Hinahatid ng ASUS ang ROG Phone 6D MLBB M5 edition para sa mga Mobile Legends: Bang Bang enthusiasts na gustong sumali sa mobile esports fever.
Ito ay matapos mag-team up ang Republic of Gamers (ROG) ng ASUS at Moonton Games para sa paparating na M5 World Championship.
Sa kolaborasyon na ito, ang mga players sa parehang wild card at main tournament ay gagamit ng ROG phones sa kanilang mga laban.
Kasama sa special edition na ito ay ang ROG Phone 6D MLBB M5 edition at isang eksklusibong M5-themed gift box na may mga freebies.
Ngunit ang tanong – worth it ba ito bilhin?
Paguusapan sa review na ito ang mga features ng ROG Phone 6D at mga special MLBB accessories na kasama nito, pati na rin mga opinyon namin kung worth it ba ang gaming package na ito.
- Kumpletong listahan ng Collector skins sa Mobile Legends: Bang Bang
- Mabighani sa Avatar of Time Angela skin sa Mobile Legends
Ano ang kasama sa ROG Phone 6D MLBB M5 edition?

Hinati ang bundle na ito sa dalawang parte: ang phone box at ang accessories box. Kitang-kita na agad na premium ang package, at na-feature nito ang fighter hero na si Yu Zhong sa harap ng phone box.
May AeroCooler 6, isang MLBB-themed badge holder, at isang Yu Zhong phone case ang accessories box.
Ang phone mismo ay may sleek na space grey na kulay, at makikita ang iconic na ROG design na may kasamang RDG display sa likod.
Bagamat nilabas pa noong October 2022, may laban pa ang phone na ‘to sa kaniyang specs.
Pinapatakbo ito ng isang MediaTek Dimensity 9000+ Mobile Platform processor at may 6.78-inch AMOLED display na may refresh rate na umaabot hanggang 165 hertz. Talagang para sa gaming ang device na ito.
Mayroon din itong 6000 mAh battery at isang mabilis na 65-watt USB Power Delivery HyperCharge adapter.
Ayon sa kanilang website, maari mong ma-charge ang phone mula sa 0% hanggang 100% sa loob lamang ng 42 minuto, para sa mga mahahabang gaming sessions.
Ang ROG Phone 6D MLBB M5 edition ay pwedeng-pwede sa mga casual at hardcore MLBB players

Matapos i-set up ang device, ang aking pokus ay ang pag-test ng kaniyang gaming capabilities sa Mobile Legends: Bang Bang.
Minax ko lahat ng settings sa classic match, at naging flawless ang laro.
Isang standout feature na nagpaganda sa aking gaming experience ay ang Game Genie.
Sa isang mabilis na swipe sa upper right ng phone, nagkaroon ako ng access sa isang interface kung saan ma-adjust ko ang refresh rate, mag-mute ng notifications mula sa ibang apps, at mag-record ng laro.
Dahil sa Armoury Crate, maari kong ma-customize ang bawat setting ng laro.
Maraming pagpipilian depende sa gusto mo, tulad ng X Mode na kung saan nangunguna ang performance at battery conservation.
Sa kabila ng mga features na ‘to, nagkaroon ng problema – umiinit ang phone sa mga mahahabang gaming sessions.
Pasok ang AeroCooler 6. Ang cooling accessory na ito ay nakakatulong para mabawasan ang temperature ng phone, para magkaroon ka ng mas komportable at walang sagabal na gaming experience.
Final verdict para sa ROG Phone 6D MLBB M5 edition
Isang magandang choice ang ROG Phone 6D MLBB M5 edition para sa mga mobile gamers, lalo na sa mga mahilig sa Mobile Legends: Bang Bang. Hindi lamang solid ang build nito, kundi may mga features din para mas mapaganda ang gaming experience mo.
Ang mas maganda pa dito ay ang kaniyang presyo na PHP31,995 (US$570). Isinasaalang-alang ang malakas na performance nito at mga eksklusibong accessories na kasama, nangingibabaw ito bilang isang cost-effective option para sa mga taong naghahanap ng high-quality gaming phone.
Maari mong mabili ang ROG Phone 6D MLBB M5 edition sa opisyal na website ng ROG.
BASAHIN: Team SMG, Team Lilgun sinelyo ang kanilang M5 slots matapos manaig sa M5 Wild Card