Umpisahan ang iyong magical journey kasama ang bagong Starlight skin Avatar of Time Angela, ang kaniyang ika-siyam na skin sa Mobile Legends: Bang Bang.

Bida ang skin na ‘to sa Starlight Fest 2023, isang taunang event kung saan naglalahad ang Moonton Games ng Starlight Skin na may enhanced animation at skill effects, tulad ng Epic at Collector skins.

Dahil sa kaniyang bagong abilidad bumalik sa oras at silipin ang kinabukasan, sumailalim si Angela sa isang mahiwagang pagbabagong-anyo, para maging isang nilalang na kayang tumawid sa ibang mga dimensyon.



Starlight Fest 2023 Avatar of Time Angela skin character model at skill effects preview

MLBB Avatar of Time Angela
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Sa skin na ‘to, nagbagong-anyo ang buhok ng Avatar of Time Angela para maging kombinasyon ng pastel pink at blue.

Pinalamutian ng isang mahiwagang pink dress na may ribbon at isang heart-shaped diamond sa harap, tinatago ng kaniyang suot ang isang protective armor na abot paa. May isang lumiliwanag na halo ang kasama niya sa bawat galaw.

Ang talagang nagbigay mahika sa kaniyang itsura ay ang isang floating crown na may maliwanag na diamond sa gitna.

Bagay na bagay ang kaniyang skills sa kaniyang timekeeper goddess aesthetic. Tumitira ang Heart Waves ng isang pink na sinag, at nagiiwan ito ng isang makulay na hourglass sa mga nahahawakan nito.

MLBB Avatar of Time Angela Heartguard
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Sa kaniyang skill na Puppet-on-a-String, humahagis siya ng isang masiglang tali sa kaniyang mga kalaban. Ang mga nahuli ay papalibutan ng dalawang hourglass hanggang sa susuko ito sa kaniyang stunning effect.

Ang kaniyang ultimate skill na Heartguard ay babalutin ang isang kakampi, habang may nakaupong doll sa tuktok ng kaniyang napiling kakampi.

Ang ultimate na ‘to ang isa sa pinakamagandang skills ni Angela, kaya naman mas nakakaakit ito kumpara sa kaniyang iba pang skins.

Ang Avatar of Time Angela ay magiging available sa events tab sa Nobyembre 25.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Mobile Legends.

BASAHIN: Revamped Moskov sa patch 1.8.30 may global teleport na