Kilala ang Kaja bilang isa sa pinakamalalakas na crowd control heroes sa Mobile Legends: Bang Bang

Kinatatakutan ang kaniyang ultimate na Divine Judgement na nagbibigay sa kaniya ng kakayahan na dumukot ng isang target para bigyang-daan ang madaling pick-off para sa kaniyang team.

Bukod dito, may abilidad din siyang mang-harass ng kalaban gamit ang Ring of Order at Lightning Bomb skills. Kaya naman, malaki ang kill potential ng isang team na kasama ang fighter/support sa lineup.

Bagamat nakakasindak ang Nazar King, may ilang heroes na maaari mong gamitin bilang pangontra sa kaniya.


Pangontra ang tatlong hero na ito kay Kaja sa MLBB

Khufra

Khufra Volcanic Overlord skin Mobile Legends wallpaper
Credit: Moonton Games

Nagiging epektibo lamang ang Kaja kung tama ang kaniyang paggamit ng kaniyang ultimate. Kung mabibigo siyang makakuha ng target, o kung di kaya naman ay napurnada ang kaniyang initiation, mawawala ang impact niya sa laro.

Kung gusto mong magawa ito, kailangan mong idagdag ang Khufra sa iyong hero pool. Iba kasi ang kalibre ng Desert Tyrant pagdating sa panggugulo at pagharang sa intiation ng kahit sinumang hero, kasama na ang Kaja.

Ito ay dala ng kaniyang pambihirang crowd control abilities. Kung hawak mo ang Khufra sa laro, maaari mong gamitin ang Tyrant’s Revenge at Bouncing Ball para putulin ang tangka ng Kaja sa kalabang team na madukot ang malalambot mong kasamahan sa team.

IBA PANG MLBB GUIDES
Kontrahin si Valentina gamit ang 3 hero na ‘to sa Mobile Legends
Pigilan si Nolan gamit ang 3 best counters na ‘to
Pabagsakin si Mathilda gamit ang 3 best counters na ‘to
Talunin si Irithel sa Mobile Legends gamit ang 3 best counters na ‘to
3 best items para kay Brody upang pumunit ng mga kalaban sa MLBB

Chou

Mobile Legends: Bang Bang ECHO Chou skin wallpaper
Credit: Moonton Games

Ang paggamit ng Chou bilang pangontra sa Kaja ay isang kaso ng apoy laban sa apoy.

Gaya ng fighter-support hybrid, maraming tools ang Kung Fu Boy na puwede niyang gamitin para buksan ang team fights. Maihahambing din ang kayang gawin ng kanilang ultimates dahil parehong displacement abilities ang The Way of Dragon at Divine Judgement.

Ang diperensiya— at ang abante ni Chou— ay mas mataas ang kaniyang mobility.

Bilang Chou, abusuhin ang angking mobility ng hero at subukang maging unpredictable sa pamamagitan ng paggamit ng bush. Sikapin na pumasok lamang sa labanan kapag magtatangka na si Kaja bumunot gamit ang kaniyang Divine Judgement.

Gamitin ang kombinasyon ng Jeet Kune Do, Shunpo at The Way of Dragon at sipain ang Nazar King papunta sa direksyon ng iyong damage dealers para sa pick-off. Maaari mo ring gamitin ang Flicker battle spell para mas mapadali ang initiation.

5 pinakamatinding Flicker ultimate combos na pwedeng gawin sa Mobile Legends

Nana

Mobile Legends: Bang Bang fighter Wind Fairy Nana wallpaper
Credit: Moonton Games

Baka nagtataka ang ilan kung bakit kasama sa listahan ng mga pangontra kay Kaja si Nana. Ngunit kung sisiliping maigi ang skills ng Sweet Leonin, makikitang panalo siya sa head-to-head matchup.

Gaya ng nabanggit kanina, nakasandal ang lakas ng Kaja sa abilidad niyang kontrolin ang kalabang heroes. Gayunpaman, masasabing ito rin ang kaniyang pinamalaking kahinaan dahil kung hindi siya tagumpay sa pagkuha ng kills gamit ang skill na ito ay malaking kabawasan ito sa kaniyang impact sa laro.

Kontra Nana, hindi madaling magagawa ng Kaja makakuha ng pick-off dahil sa passive ng mage na Molina’s Gift kung saan siya ay magiging immune to death at mabibigyan ng movement speed buff kapag bumaba ang kaniyang buhay sa tiyak na pursyento.

 Bukod dito, kaya ding paulit-ulit na i-poke ng Nana ang Kaja gamit ang Magic Boomerang. Kaya ding sakalin ng Nana ang lane sa pamamagitan ng paglalapag ng Molina’s Smooch, na kung matapakan ng fighter-support ay maaaring maging mitsa ng kaniyang kamatayan.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita at guides patungkol sa Mobile Legends.

BASAHIN: RG Guide: Paano gamitin ang Mid Lane Pharsa, items, skills, etc