Madaling trinabaho ng RRQ Akira ang Mobile Legends: Bang Bang Professional League Brazil Season 2 (MPL BR Season 2) grand final ng pataubin nila ang DreamMax e-Sports, 4-0 para iuwi ang korona sa pinakamalaking liga ng MLBB sa Brazil.

Ni hindi nabahiran ng pagkatalo ng koponan sa upper bracket kung saan itinumba nila ang Imperial Esports, 3-0 sa semifinal at DreamMax e-Sports sa upper bracket final.


Impresibo ang kampanya ng RRQ Akira sa MPL BR Season 2

Credit: Team RRQ

Hindi bingo ng RRQ Akira, na binuo ng mga miyembro ng MPL BR Season 1 champions na Red Canids at mga players ng 2nd placer Keyd Stars, ang mga miron ng ipakita nila ang ibang-klaseng chemistry sa playoffs na tinapos nila ng 10-0.

Sa kabilang panig, matindi ang ipinakitang determinasyon ng DreamMax e-Sports para makuha ang kanilang spot sa grand finals ng tapatan nila ang Omega Esports sa lower bracket final.

Gayunpaman, hindi nadala ng lower bracket finalist ang momentum sa championship series dahil umpisa pa lamang ay pinaulanan na agad sila ng Clint ni Gustavo “Gustalagusta” Da Costa Lima na nagtala ng 8/1/9 KDA na natapos ng may 23-10 kill score.

Gayundin ang ipinakitang performance ng gold laner sa Game 2, sa pagkakataon namang iyon ay gamit ang Beatrix. Ipinako ni Gustalagusta ang kasing-linis na 8/1/7 KDA tampok pa ang triple kill sa midlane sa ika-13 minuto ng laro para iangat ang RRQ Akira sa 2-0 kalamangan.

Ang RRQ Akira jungler naman na si Lucas Felipe “Kiing” Godoy ang bumida sa Game 3 ng gamitin aniya ang Baxia para ilista ang swabeng 5/0/7 KDA at ilubog ng maigi ang DreamMax. Gamit ang Demon Slayer emblem na popular sa MPL Philippines, nagawa niyang makakuha ng objectives sa early hanggang mid-game para mabigyan ng kalamangan ang kaniyang team sa gold.

Cecilion namna ni Matheus Vieira “Seigen” Lima ang pumako sa serye sa na umabot lamang ng 12 minutes. Halimaw na 7/1/11 KDA ang ipinukol ng midlaner para mauwi ng RRQ ang kampeonato sa game 4 na nagtapos ng may 22-9 kill score.

Bukod sa US$12,000, sasabak din ang RRQ Akira kasama ng DreamMax sa Liga Latam Season 2 kung saan sila ang magiging kinatawan ng Brazil. Dito nila susubukan ang kanilang gilas kontra sa iba pang koponan sa western region.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa MPL.

BASAHIN: Malaki ang tiwala ni RRQ CEO na mananalo ang RRQ Akira sa MPL BR Season 2