Ang muling paglalaro ni RRQ Lemon bilang midlaner ay espesyal para sa ilang tao, lalo na sa mga sumusubaybay ng MPL ID magmula pa noong Season 1.
Alam ng mga datihan nang fans ni Lemon kung gaano siya kahusay sa midlane. Ang player na mula sa Aceh ay kilala sa kanyang paggamit ng mga mage heroes, lalong lalo na ng Kagura.

Sa paglipas ng panahon, lalong humusay si Lemon. Naging kilala siya bilang isang iconic player na may pinakamaraming MPL ID titles. Bagama’t sa ilang seasons ay nasa bench lamang siya.
Karapatdapat lang na tawaging legend si Lemon. Siya na lang ang natatanging player mula noong Season 1 na aktibo pa ring naglalaro hanggang Season 10 kasabay ng pagkawala ni REKT mula sa EVOS Legends.
At hindi lang basta palamuti si Lemon sa roster ng RRQ Hoshi sa MPL ID S10. Napatunayan ito nang paglaruin siya sa ikalawang linggo ng season nang makaharap nila ang ONIC Esports.
RRQ Lemon muling naglaro bilang midlaner
Interesante ang muling pagbabalik ni Lemon sa midlane. Alam natin na mula noong Season 5 ay kadalasang pinupwesto si Lemon sa side o gold lane, bagama’t mahirap pa ring hulaan ang pipiliin niyang hero.
Sa match laban sa ONIC Esports, si Lemon ang pumalit sa pweto ni Clay sa midlane, at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakasama niya sa roster composition si Skylar.
Maganda rin ang naging performance ni Lemon sa match. Bagama’t hindi naging epektibo ang kanyang Faramis sa unang game, ngunit nakabawi naman sa ikalawa at ikatlong game ang kanyang Valentina at Yve. Panalo ang RRQ Hoshi sa score na 2-1.
Per bakit nga ba muling naglaro sa midlane si RRQ Lemon? Pagkatapos ng match, tinanong ng ONE Esports ang kanilang team captain na si R7 at ipinaliwanag niya itong mabuti.

“If Lemon plays mid from my view to catch-up faster, he’s really smart in the mid. Because Lemon is basically a mage, so let’s catch-up to the team sooner,” sabi niya sa isang press conference.
Ayon sa pahayag ni R7, maaaring sabihin na mananatili si Skylar sa gold lane para sa season na ito, habang magpapalitan naman sina Lemon at Clay.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.