Magsisimula na sa wakas ang ika-10 season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID). Inaabangan ito ng karamihan dahil inaasahang ito na ang pinakakakaibang season sa kasaysayan ng liga.
Maraming dapat abangan sa paparating na MPL ID S10. Bukod kasi sa init ng kompetisyon, ngayong season din aalamin kung sino-sino ang mga magiging pambato ng rehiyon sa M4 World Championship.

At syempre, sino ba naman ang hindi nag-aabang sa kalalabasan ng nagdaang roster shuffle. Tatampok kasi sa liga sa unang pagkakataon ang ilang Filipino players na ipagpapatuloy ang kanilang karera sa Indonesia.

Sa ngayon, opisyal na ang pagsapi nina Kairi “Kairi” Rayosdelsol at coach na si Denver “Yeb” Miranda sa ONIC Esports. Gayunpaman, inaasahan na hindi mag-isa ang Pinoy jungler. Napapabalita rin kasi na lumipat na rin sa Indonesia ang mga manlalaro ng MPL Philippines sina Allen “Baloyskie” Baloy, Mark “Markyyyyy” Ectobañez, Jaymark “Hades” Lazaro, at Gerald “Dlarskie” Trinchera.
Dagdag rason kung bakit dapat abangan ang MPL ID S10 ang magiging performance ng mga Filipino players, at kung sino nga ba sa kanila ang makapagbibigay ng pinakamabigat na impact sa liga.
Ang petsa kung kailan magsisimula ang MPL ID S10
Matapos ang mga agam-agam patungkol sa petsa kung kailan magsisimula ang MPL ID S10, opisyal nang inanunsyo ng Moonton kung kailan nga ba tatakbo ang turneo.
Sa isang Instagram post, kinumpirma nilang magsisimula ang liga sa ika-12 ng Agosto.
Bagamat hindi pa idinetalye, nagpahapyaw din ang Moonton na may inihanda silang kakaiba parang ipagdiwang ang ika-10 season ng liga.
Inaasahan na magsasagawa ng press conference ang Moonton bago ang simula ng liga para idetalye ang mga impormasyon.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Coach Zeys sinabing may sorpresang baon ang MPL ID S10 roster reveal ng EVOS Legends