Pagkatapos ng tatlong mahuhusay na laro na bumaon sa RRQ Hoshi sa 0-3 bangin, dumako ang RSG Philippines sa Game 4 ng MSC 2022 Grand Finals na may momentum sa kanilang panig. Kinakailangan na lamang ng mga Pinoy ng isang matagumpay na play para tuluyang maabot ang inaasam na tropeyo sa international patimpalak.

Sa ika-16 minuto ng nasabing laro, ipinakita ni Dylan “RSG Light” Catipon kung bakit siya ang hinirang na Most Valuable Player ng pinakamalakas na MPL rehiyon sa mundo.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Kung gaano kahigpit ang hawak ng RSG PH sa deciding game ay ganoon din kahigpit ang yakap ng Khufra ni RSG Light sa mga miyembro ng RRQ Hoshi sa midlane na nahuli niya gamit ang Tyrant’ Revenge at Tyrant’s Rage combo na kumitil sa buhay nina Alberttt, R7 at Vyn.

Epektibong tinapos ng highlight play na ito ang laro pabor sa PH team papunta sa bagong titulo na Kings of Southeast Asia.


RSG Light: RRQ pinanghinaan na ng loob sa Game 4

Sa post-game interview kasama ang MSC Broadcast team sa Pinas, inamin ni RSG Light ang umikot sa kaniyang isipan bago pakawalan ang masasabing best play of the series.

Credit: MSC

Aniya, “Siguro punong-puno na yung confidence ko noon kase 3-0 na. Tiyaka alam ko mga taga-Indonesia, ‘di nila kaya pag 3-0 na.”

Hindi rin nagpapagil ang RSG PH roamer na sinabing wala ng makapagpapa-angat pa sa RRQ Hoshi mula sa kanilang posisyon. “Kaya confident ako 4-0 na talaga to. Kasi napanghihinaan na yon ng mga loob. “

Bukod sa magilas na maniobra gamit ang kaniyang signature Khufra, basag din sa Lolita ni RSG Light ang RRQ sa Game 2 kung saan naglista siya ng 11 assists at 1 kill kontra sa 3 deaths para hiranging MVP of the Game.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Ipinamalas din ng roamer ang bagsik ng kaniyang Chou, isa pa niyang signature hero, sa Game 3. Bagamat napatay ng siyam na beses ay susi ang kaniyang tank fighter sa pagkuha ng mga krusyal na pick-offs para pagulungin ang kanilang late game comeback na tumulak sa RRQ sa dehadong 0-3 pagkalubog.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: RSG PH pinugo ang RRQ 4-0, kampeon ng MSC 2022