Hindi naging hadlang ang pagiging plebo sa international stage para sa RSG Philippines upang mukuha hirangin ang koponan bilang kampeon ng Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022). 

Perpektong 4-0 sweep ang isinagot ng RSG PH sa katunggaling RRQ Hoshi na naunang sumipa sa MPL Philippines Season 9 champions sa lower bracket na nagdulot ng pagkaudlot ng inaasahang All-Filipino Grand Finals.

Pagkatapos trabahuhin ang Indonesians, sumabog ang samu’t-saring emosyon mula sa mga miyembro ng Pinoy team, partikular na mula kay Nathanael “Nathzz” Estrologo na itinaas ang tropeyo sa harap ng mga taga-suporta ng RRQ fans na dumagsa noon sa Malaysia International Trade and Exchange Center (MITEC) sa Kuala Lumpur.


Selebrasyon ng RSG PH matapos kuhanin ang MSC 2022 kampeonato

Sa pagkapanalong ito, mapapanatili sa panig ng Pilipinas ang MSC titulo na unang nakuha ng Smart Omega noong nakaraang taon. Maipagpapatuloy din nito ang dominasyon ng bansa sa international stage kasunod ng dominasyon ng Team SIBOL sa Southeast Asian Games 2022 MLBB Event at M3 World Championship.

Sundan ang pinakahuli sa Mobile Legends sa pamamagitan ng pag-follow at pag-like sa ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Aqua, RSG PH ipinaliwanag ang kaibahan ng team kontra RRQ Hoshi sa UB Final at GFs ng MSC 2022