Bagamat nakuha ng RRQ Hoshi ang 3-1 panalo sa upper bracket finals ng MSC 2022, hindi nagawa ng Indonesian team na maulit ang kanilang performance kontra RSG Philippines sa Grand Finals kung saan hinagupit sila ng PH team, 4-0 papunta sa korona.

Dikitan ang laban sa unang tatlong laro ng nasabing serye, ngunit muli’t-muling nagapi ng tinaguriang ‘Kingslayers’ sa late game, kahit pa abot-kamay na sana ang panalo para sa MPL ID Season 9 champions.

Credit: ONE Esports

Pagkatapos ng laban, nagkaroon ng pagkakataon ang ONE Esports na makausap ang midlaner ng koponan na si Arvie “Aqua” Antonio. Nagbigay si Aqua komento tungkol sa kaibahan ng larong isinalang ng RRQ sa dalawang seryeng kinatampukan nila.


RSG PH basado na ang comfort picks ng RRQ Hoshi matapos ang UB Final pagkabigo

Sa naturang panayam, sinabi ni Aqua na wala naman daw pinagkaiba ang larong isinalang ng RRQ sa dalawang magkahiwalay na serye.

Credit: MSC

Pag-amin pa ng midlaner, mas tinutukan daw ng koponan ang paghahanda sa upper bracket final kontra sa grand finals.

“Nung kalaban namin yung RRQ Hoshi kahapon, wala kami masyadong tulog. Pero ngayon, mas ready kami. Napag-aralan naming ng konti yung laro ng RRQ kaya sa tingin ko mas handa kami,” 

Bukod sa kahandaan ng koponan sa mental side ng laro, nagawa din nilang ipakita ang butas ng strategy ng RRQ para puguin ang mga ito sa huling serye na nilaro sa MSC 2022.

“Na-analyze namen laro nila [RRQ Hoshi]. May mga comfort heroes kasi na madaling hulaan. Tapos ‘yon, comfort heroes nila ginagamit nila para manalo eh,” sabi niya sa ONE Esports.

Credit: MSC

Pagkatapos ng dominanteng panalo ng RSG PH, maibibilang na sila sa mga Filipino teams na nagpatumba sa King of Kings sa international stage, kasama ang dekoradong Blacklist International at ONIC Philippines.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Demonkite sinagot ang trashtalk na natanggap mula kay Donkey