Tagumpay na nakuha ni Jonard Cedrix “Demonkite” Caranto at ng kanyang koponan na RSG PH ang kampeonato sa nagdaang Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022).

Marami ang nagulat at nabilib sa ipinamalas na husay ng RSG PH dahil hindi lang nila basta tinalo ang kapwa grand finalist na na RRQ Hoshi ng Indonesia, kung ‘di winalis nila ang buong best-of-seven series sa score na 4-0.

Trashtalk ni Donkey sa RSG PH ayon kay Demonkite

EVOS Legends Donkey
Credit: Moonton

Kamakailan sa stream ni Demonkite, ikinwento niya ang isang pangyayari na naganap bago ang kanilang grand finals series laban sa RRQ Hoshi, dahilan kung bakit mataas ang kanyang energy at kumpyansa niya para sa kanilang laban.

Ikinwento niya sa kanyang stream na may taga-MSC na nagpunta sa kanilang holding area para sa isang interview bago ang kanilang match. Nagulat ang jungler ng RSG PH nang dumating din sa kanilang holding area ang dating EVOS Legends player na si Yurino “Donkey” Putra Angkawidjaja.

“Pumunta siya [Donkey] dun sa holding area namin,” sabi ng RSG PH jungler.

Pagkatapos ng interview sa kanila ay tinanong daw sila ng dating pro player na Indonesian, “Are you guys ready to lose to RRQ?”

“Eh syempre ako, hindi ako papatalo,” kwento ng jungler. “Sinenyasan ko sila ng 4-0 habang may camera doon sa loob ng holding area.”

At nagkatotoo nga ang banta ng raider na score. Nilampaso ng RSG PH ang RRQ PH 4-0 sa grand finals ng MSC 2022, bagay na mas lalong nagbigay-buhay sa puso ng kanyang team at ng maraming Pinoy fans.

MSC 2022 Demonkite
Credit: ONE Esports

“Hindi tayo papatalo sa mga yun, guys,” sabi ni Demonkite sa kanyang stream. “Papalagan namin yun nang papalagan.”

“Nagulat ako bigkla nalang nagpunta sa holding area namin, wala namang nagpapunta sa kanya dun.”

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming, esports, at sa MSC 2022, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.