Isa ang Kimmy sa mga hero na inilabas ng Blacklist International sa kahabaan ng kanilang pamamayagpag sa MPL PH Season 8 Regular Season.

Nauna itong ipagamit ng koponan sa kanilang Gold Lane player na si Kiel “OHEB” Soriano noong ikalimang linggo ng Regular Season para mapahaba pa ang kanilang win streak matapos talunin ang RSG PH.

Ang MVP Performance ng Kimmy ni OHEB

Ikinagulat ng marami nang ilabas ng Blacklist International ang Kimmy. Matatandaan ang pangingibabaw ng nasabing Marksman simula pa noong ikalawang season ng liga, pero nawala ito sa professional play dahil sa ilang serye ng nerf.

Kaya naman nang mangibabaw si OHEB gamit ang naturang Kimmy build, tila muling nabuksan ang mga usap-usapan kung pasok na ba ito sa kasalukuyang meta.

Kinumpleto ng Blacklist International ang pagwawalis sa RSG PH matapos ang 18 minuto ng bakbakan. Hirang na MVP ng ikalawang mapa si OHEB matapos magtala ng anim na kills at dalawang assists kontra isang death.

Kimmy build ni OHEB ng Blacklist International
Credit: MPL PH
Screenshot ni Ron Muyot / ONE Esports

Siya rin ang may pinakamalaking ambag sa team fight matapos tumikada ng game-high damage dealt ang kanyang epektibong Kimmy build.

Ang Sidelane Kimmy Build ni OHEB ng Blacklist International

  • Arcane Boots
  • Genius Wand
  • Ice Queen Wand
  • Holy Crystal
  • Divine Glaive
  • Blood Wings

Coach BON CHAN, ipinaliwanag ang Kimmy pick sa MPL PH Season 8

Blacklist-Bon Chan
Credit: MPL PH/Moonton

Ayon sa coach ng koponan na si Kristoffer “BON CHAN” Ricaplaza, dulot daw ng patch 1.6.18 ang pag-pick nila sa Kimmy.

“Mas exciting eh, ‘yung mga marksman na kinalimutan na ng panahon, nagagamit na ulit. Hindi naman siguro pabor samin,” paliwanag niya.

Pero kahit tagumpay ang koponan sa kanilang stratehiya at Kimmy build ni OHEB, hindi lang naman daw sila ang makikinabang sa bagong patch na ‘to.

“Hindi naman siguro samin pabor [ang bagong patch],” banggit niya. “May mga team din na may mga marksman gods, tulad nila Toshi at Iy4knu, mga classic na marksman players. Mate-take advantage din talaga nila yung patch.”


Subaybayan ang mga kaganapan sa MPL PH Season 8 sa pamamagitan ng pag-like sa Facebook page ng ONE Esports Philippines. Mapapanood naman ang mga laban sa Facebook at YouTube channel ng MPL Philippines.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN DIN: Sidelane Bruno build, ayon sa MPL PH performance ni Iy4knu