Dramatiko ang inihaing pagtatapos ng BREN Esports sa kanilang kampanya sa MPL Philippines Season 9 matapos kumpletuhin ang upset kontra top ranked team TNC Pro Team ML sa 2-0 sweep sa Week 8 Day 3 ng regular season.

Bagamat swabe ang naging kongklusyon ng kanilang season ay hindi naman ikinaila ng head coach na si Francis “Coach Duckey” Glindro na marami pa silang dapat pagtuunan ng pansin lalo na sa paparating na season kung saan mapipili ang kakatawan sa rehiyon sa M4 World Championship.

Credit: Bren Esports

Sa kaniyang post sa Facebook, humingi ng paumanhin ang dekoradong coach sa kanilang performances sa mga nakalipas na seasons. Sulat niya, “I know we’ve been in a slump for a while now. The struggle has made us realize a number of new things and has been a humbling experience for each of us.”

“I apologize to my team for my shortcomings and to all the fans who, I know, are truly disappointed with our performance as of late,” sambit pa ni Coach Duckey. Kasabay ng paghingi ng pasensya sa fans, ipinanganko naman ng M2 World Champion Coach na gagamitin nila ito para husayan pa ang pag-eensayo ng sa gayon ay makapag-perform sa paparating na M Season.


Nanindigan si Coach Duckey sa husay ng kaniyang rookies ngayong S9

Credit: MPL Philippines

Hindi man nakamit ang inaasam na performance ng team, hindi naman itinanggi ng coach ang gilas na ipinakita ng kaniyang mga rookies sa kampanya nila ngayong season.

Ani ni Coach Duckey sa parehong post, “While I know most of you are disappointed, I refuse to believe that our rookies didn’t prove anything for themselves for the past few months.”

Mababalikan na binuo ang Bren lineup ngayong season ng mga players mula sa amatuer team na ArkAngel, kung saan dating standouts sina Marco “Super Marco” Stephen, Vincent “Joy Boy” De Guzman at Kenneth “Saxa” Fedelin.

Partikular na bumida para sa Bren Esports si Joy Boy na tumindig bilang lider ng koponan, na nanalo pa nga ng Weekly MVP Honors noong Week 5 matapos puguin ang noon ay number 1 ranked team na ECHO.

Credit: MPL Philippines

Pagpapatuloy ni Coach Duckey, “They tried and did their best, and right now that is enough proof for me that they have what it takes to play in this league.”

Tinapos ng Bren Esports ang kanilang kampanya sa likod ng magnipikong Brody plays ni Super Marco na pumuksa sa TNC para buuin ang 2-0 sweep. Malinis na 8/1/3 at 2/0/1 KDAs ang isinalang ng gold laner bilang pamurnada sa pag-asa ng TNC na maselyo ang 2nd place sa standings.

Sundan ang gugulong na MPL PH Season 9 Playoffs sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: RSG Light, Season MVP? Coach Panda nagkomento tungkol sa posibilidad nito