Kamakailan ay inilabas ng Bigetron Alpha ang roster na babandera para sa kanila sa gugulong na MPL Indonesia Season 10. Katatampukan nina Rippo, Kyy, Xorizo, Matt, Maxx, Moreno, at Falah nasabing roster, kasama ang kanilang bagong import mula MPL Philippines na si Marky “Markyyyyy” Capacio.

Kasama sa nasabing reveal ang balita na ang CEO ng org na si Edwin “Starlest” Chia ang poposte bilang coach ng team na naging palaisipan sa mga fans.

Credit: Bigetron Alpha

Hindi naman kataka-taka kung bakit ganito ang reaksyon ng mga miron sa nasabing balita. Bakit nga naman ang mismong CEO ng esports organization ang tatao sa importanteng posisyon, lalo pa’t inaasahan na mas mabangis ang kumpetisyon sa season kung saan hihirangin ang magiging kinatawan ng liga sa M4 World Championships.


Tsismis: Placeholder muna si Starlest hangga’t ‘di pa dumarating ang bagong coach at analyst ng Bigetron

Credit: Bigetron Alpha

Bagamat may MOBA background dahil dating LoL player, hindi masisisi ang mga miron sa pagtataka kung bakit si Starlest ang pinalabas na head coach ng team. 

Gayunpaman, patuloy ang bulungan na hindi talaga ang Bigetron CEO ang tatao sa posisyon at siya lamang muna ang ginawang placeholder ng koponan hangga’t wala pa ang inaantay nilang coach at analyst.

Kung susuriing maigi ang postings ng koponan sa social media, hindi rin kasama si Markyyyyy sa nauna nilang anunsyo tungkol sa kanilang MPL ID S10 roster. Hanggang kamakailan ay inilabas na din na babandera ang ex-ONIC Philippines gold laner para sa kanila ngayong season.



Gayundin ang inaasahan ng fans na magaganap sa coaching staff ng grupo. Sa isang livestream, inilahad ni Starlest na mayroon ng proseso sa pagkuha ng lisensya ng mga Filipino players na lalahok sa MPL ID, kasama ang tatlong figures sa BTR at sa ibang teams.

Hindi malayong kasama na sa mga nagproproseso ang trainer at analyst ng Bigetron, at ang paglabas ng pangalan ni Starlest sa lineup ay isa lamang paraan para mapunan ang bakanteng slots nito habang nag-aabang sila sa mga ito. 

Sino kaya ang magiging utak sa likod ng revamped squad ng Bigetron?

Manatiling nakatutok sa mga balita tungkol sa MPL sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook page ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Dlar sa EVOS Legends, opisyal na