Opisyal nang ipinakilala si Gerald “Dlar” Trinchera bilang ang bagong EXP laner ng EVOS Legends para sa paparating na ika-10 season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID).

Gaya ng mga naunang balita ukol sa paglipat ng mga Filipino players sa ibang rehiyon ng MPL, napuno din ng agam-agam at pagsapi ni Dlar sa koponang nagkampeon noong M1 World Championship. Unang nabigyan ng buhay ang usapan nang maghanap ang coach ng EVOS Legends na si Bjorn “Zeys” Ong ng Pinoy EXP laner at roamer.

Kaya’t nang kumalas sa ONIC Philippines ang 22-taong-gulang na manlalaro matapos ang anim na seasons at ibunyag pangarap niyang maglaro sa Indonesia, maraming naghinuhang siya na ang piyesang hinahanap ng Singaporean coach para sa kanilang roster sa susunod na MPL season.

Sa pagpasok ni Dlar sa EVOS Legends, siya na ang ikatlong Pinoy na maglalaro sa MPL ID Season 10. Nauna na ring ipakilala ng ONIC Esports ang dati niyang kakampi na si Kairi “Kairi” Rayosdelsol bilang ang kanilang jungler, maging si Mark Christian “Markyyyyy” Capacio na kinuha naman ng Bigetron Alpha.

Inaasahang maglalaro rin para sa Geek Fam ang dating support ng ONIC PH na si Allen “Baloyskie” Baloy at ex-ECHO jungler na si Jaymark Aaron “Hadess” Lazaro, ngunit wala pang opisyal na anunsyo mula sa naturang koponan.

Dlar kinumpleto ang roster ng EVOS Legends para sa MPL ID S10

Dlar sa EVOS Legends, opisyal na
Credit: EVOS TV

Papalitan ni Dlar sa EVOS Legends si Maxhill “Antimage” Leonardo, isang batikang EXP laner sa pro scene ng Indonesia.

Tinanggal ang naturang manlalaro sa roster ng koponan para sa paparating na season, kasama ang tatlong miyembro na nag-angat ng tropeo ng kauna-unahang M-series World Championship na sina Gustian “REKT”, Muhammad “Wannn” Ridwan, at Ihsan “Luminaire” Kusudana.

  • Hafizhan “Clover” Hidayatullah(Gold laner)
  • Ferdyansyah “Ferxiic” Kamaruddin (Multi-role)
  • Darren “Tazz” (Multi-role)
  • Muhammad “Cr1te” Nur Effandy (Midlaner)
  • Sebastian “Pendragon” Arthur (EXP laner)
  • Raihan “Bajan” Ardy (Roamer)
  • Vincentsius “VaanStrong” Ivan Adrianto (Roamer)
  • Gerald “Dlar” Trinchera (EXP laner)

Nakatakdang simulan ng EVOS Legends ang kanilang kampanya sa MPL ID S10 kasama si Dlar sa ganap na ika-12 ng Agosto.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Kumpletong listahan ng Pinoy exports sa MPL