Hindi maitatanggi na si ONIC Butss ang isa sa mga pinakamahuhusay na EXP laners sa Indonesia ngayon. Dekorado ang esports player na isa sa mga mainstay ng ONIC Esports na defending champions ng MPL Indonesia, kampyon ng MPL Invitational 2021, at isa sa mga koponang kumatawan sa bansa noong M3 World Championship.

Nakilala si Butss sa kaniyang tank heroes sa EXP lane kung saan epektibo niyang pinipigil ang agresibong plays ng kaniyang mga katapat at pinupwersa ang rotation ng kalabang team. Kaya naman, isa na ito sa mga strat na nasa bulsa ng ONIC, ang team na pinamumunuan niya ngayon.


Malawak ang hero pool ni ONIC Butss

Isa sa mga rason kung bakit kinikilala si ONIC Butss ay ang lawak ng kaniyang hero pool. Hindi lamang sa meta heroes bumabanat sa EXP lane ang pro, mahilig din siyang magpakawala ng non-meta heroes para iparis sa strat na isinasalang ng Hedgehogs.

Credit: Instagram/msatryas

Hindi na kataka-taka kung bakit natatangi ang ONIC bilang koponan na may kakaibang strategy at playstyle. Dahil sa tapang ni Butss sa mga off-meta picks, epektibo niyang nasisindak ang sinumang katapat sa EXP lane.


2 epektibong off-meta tank heroes sa EXP ayon kay ONIC Butss

Si Butss ang unang player na gumamit ng Hylos at Khufra sa EXP lane sa iba’t-ibang pagkakataon. Malaking dahilan kung bakit matagampay siya sa mga pagsalang sa mga tank heroes sa EXP ay dahil sa kaniyang abilidad na ma-maximize ang hero skills ng mga ito.

Sa mga pagkakataong ginagamit niya ang Hylos, ipinapakita ni Butss ang lakas ng hero sa early game kontra sa mga fighters na tipikal na inihaharap sa kaniya. Halos imposibleng ma-push ang lane ni Butss, at epektibo niyang ginagamit ang initiation ability nito kapag reresponde sa mga team fights.

Ginagamit naman ng ONIC EXP laner ang Khufra kapag may pick na Chou o Paquito ang kalaban.

Credit: Moonton

Ngunit bukod sa dalawang tank heroes sa EXP, may iba pa raw na picks na maaaring magpahirap sa kalaban. Matapos ang kanilang tagumpay kontra EVOS Legends, binanggit ni Butss sa ONE Esports ang ilan pang epekitbong tank heroes sa EXP lane.

“Minotaur and Tigreal are also playable in the EXP lane. Because if you use the Concussive Blast tank emblem, the clear can still be fast and the initiation is also okay,” paliwanag ng pro.


Rason kung bakit isinasalang ang tank heroes sa EXP lane

Kung susuriin ang eksena ngayon sa MPL, pangunahing katangian ng mga isinasabak na heroes sa EXP lane ang durability at sustainability ng mga ito. Trabaho ngayon ng mga offlaners na bumabad sa mga team fights para makuha ang malaking bahagi ng damage output ng kalabang damage dealers.

Sa paggamit ng tank heroes sa EXP lane, nabibigyan ng opsyon na gumamit ng damage o heal type heroes ang roamers. Sa ngayon, maaaring opsyon ang paggamit ng Selena sa 5 position, gayundin ang Kadita at Natalia na may mga burst damage abilities. 

Sundan ang pinakahuling balita tungkol sa Mobile Legends sa Facebook ng ONE Esports Philippines. 

BASAHIN: Si Nino daw ng Alter Ego ang best goldlaner sa MPL ID sabi ni Aura Kabuki