Matapos magsalang ng magigilas na performances para sa kaniyang TNC Pro Team ML, si Jomarie “ Escalera” Delos Santos ang hihirangin bilang Rookie of the Season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 9 (MPL PH Season 9).

Credit: MPL Philippines

Nakakuha ng 37 total points ang midlaner ng Phoenix Army, kontra sa magkasunod na 35 points at 11 points ng kapwa niyang TNC members na sina Robee Bryan “Yasuwo” Pormocille at Mark Genzon “Kramm” Rustana.


Miracle Shotcall ni TNC Escalera binaliktad ang ECHO sa W6D2

Bagamat nagtala lamang ng desenteng 2.50 KDA ratio at 4.82 average assists, malaki ang kontribusyon ni Escalera sa galaw na ipinakita ng koponan sa nakalipas na season. Partikular na tumatak sa isipan ng mga tao ang milagrosong shotcall na ginawa niya kontra sa “Super Team” ng MPL.

Matapos matalo sa unang mapa ng kanilang Week 6 Day 2 matchup kontra sa ECHO, nalagay sa bingit ng sweep ang TNC sa Game 2 partikular na sa 18-minute mark ng laro kung saan sinubukang kuhanin ng kalabang team ang Luminous Lord.

Lugi man ang posisyon, isinugal ng TNC ang top side split push para gulantangin ang ECHO at maitabla ang serye, at kalaunan ay mabaliktad ang ihip ng hangin para makuha ang krusyal na 2-1 panalo.


Lord Steal kontra Bren susi sa Game 1 panalo sa W4D3

Credit: MPL Philippines

Malagkit ang naging unang salang ng TNC kontra Bren Esports noong Week 4 Day 3 ng regular season. Sa Game 1 pa lang ng nasabing serye, mahigpit na agad ang kontensyon ng dalawang teams na nais umangat sa standings.

Bagamat maraming ulit na nalugi sa team fights at sa Lord objective, itinapang ng TNC ang isang Lord dance sa ika-24 minute ng laro para sabayan ang Bren tampok ang matinding kombinasyon ng Aulus at Diggie.

Kahit pa wala ang kanilang Retribution user sa mapa (nasa top side si Daniel “SDzyz” Chu gamit ang Lancelot) ay nagawa parin ni Escalera na manakaw ang Lord kontra Bren. Dito na gumulong ang kanilang death push para buksan ng may momentum ang serye.

Kalaunan ay nawalis nila ang Bren dahil sa magilas na micromechanics ng midlaner.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita tungkol sa Mobile Legends.

BASAHIN: Strat ng Smart Omega sa Game 2 ng MPL PH S9 Grand Finals, sagot ba sa RSG PH? Coach Pakbaits ipinaliwanag ang atake