Nadagdagan ang mga pasahero ng #BiyahengTagumpay matapos ipakilala ng TNC Pro Team ang mga miyembro ng TNC Neo, ang kanilang koponan para sa kauna-unahang season ng Mobile Legends: Bang Bang Development League Philippines (MDL PH).

Binubuo ito ng anim na miyembro na pangungunahan nina Kharl Christian “Banting” Tan, Joshua “Mira” Albino, at Mark Laurence” MarkTzy” Cabigting mula sa amateur team na Virgin Souls. Sa naturang koponan din galing ang ilang miyembro sa roster ng TNC Pro Team, gaya nina Jetson “Goyo” Ignacio at Kristofer “Hesu” Calderon.

TNC Neo palalakasin ng Virgin Souls players sa MDL PH Season 1
Credit: Virgin Souls

Susubakan ng TNC Neo na ilabas ang kanilang lakas sa unang araw ng MLD PH Season 1. Haharapin nila ang Smart Omega Neos na binubuo ng ilang beteranong manlalaro gaya nina Kiel VJ “KielVJ” Hernandez at Jeff “S4gitnu” Subang.

Nakatakdang ganapin ang kanilang bakbakan sa ika-15 ng Pebrero, sa ganap na ika-anim ng gabi. Masusubaybayan ito sa opisyal na Facebook page at YouTube channel ng MDL Philippines.



Roster ng TNC Neo para sa MDL PH Season 1

TNC Neo palalakasin ng Virgin Souls players sa MDL PH Season 1
Credit: MDL Philippines
  • Kharl Christian “Banting” Tan
  • Joshua “Mira” Albino
  • Keer VInce Jashley “K1d” Recto
  • Carl Michael “Crown” Pilapil
  • Justin Ahron “xShocker” Guanga
  • Mark Laurence “MarkTzy” Cabigting
  • Coach Lenard Joseph “Cody” Merano

Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: 3MarTzy at Rafflesia nagpasiklab sa kanilang debut sa MDL ID S7