Muling nanalo ang Alter Ego sa MPL ID Season 9 matapos makatikim ng talo sa kamay ng Rebellion Zion. Dahil sa panalong ito, kasalukuyan nang nakikipaglaban para sa upper bracket playoff slot sina Celiboy at kanyang mga kasama.
Sa pagkuha ng nila ng karagdagang 3 puntos, palapit na ng palapit ang Alter Ego sa defending champions na ONIC Esports na kasalukuyang nasa ikalawang posisyon sa standings.
Alter Ego nagawang makabawi sa Rebellion Zion matapos silang maunahan

Walang prenong sumabak sa unang game ang mga anak-anakan ni Coach NasiUduk, mabilis ang naging atake nila laban sa Rebellion Zion na sumagot lamang ng passive play. Ngunit biglang bumaligtad ang sitwasyon nang magawang i-maximize ni SwayLow ang late game potential ng kanyang Cecilion. Sa pagtatapos ng game ay nadehado ang Alter Ego 1-0.
Matapos mabigo sa pagkuha ng panalo, nanatili sa pagiging agresibo si Udil sa sumunod na game. Sa gitna ng dikit na laban, ang mahusay na Lancelot ni Celiboy sa 9-minute mark na nakuhang basahin ang mga galaw ng kalabanng game na nagbigay sa kanila ng lamang upang makuha ang ikalawang game.
Sa deciding game, ipinagpatuloy ng Alter Ego ang kanilang positive momentum at patuloy na sinagasaan ang mga players ng Rebellion Zion. At dahil walang naging harang sa kanilang pag-arangkada, nagawa nilang mabawi ang series sa score na 2-1.
Udil inilahaad ang sikreto ng positive trend ng Alter Ego

Sa unang dalawang linggo, hindi naging maganda ang karera ng Alter Ego na nakakuha lang ng isang panalo. Kahit na sa ikatlong linggo ay hirap pa rin ang MPL ID Season 6 runners-up na maging consistent sa kanilang performance.
Ngunit nitong huling dalawang linggo, hindi maikakaila ang husay at talas na ipinakita nina Celiboy a ng kanyang team. Hindi na sila basta-basta nakakagawa ng mga pagkakamali na madaling maiwasan.
Sa likod ng mas maayos nilang performance, inilahad ni Udil na nakipag-ayos ang kanyang team sa kani-kanilang mga sarili upang makabangon mula sa kanilang pagkakalugmok.
“What makes Alter Ego start to rise? We have made peace with ourselves and lowered each other’s egos,” sabi ni Udil.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.