Nabigyan ng pagkakataon ang mga fans ng Blacklist International na makita at makasama ang mga iniidolo nilang players at coaching staff bago magsimula ang Mobile Legends:Bang Bang Professional League Philippines Season 10 (MPL PH S10).

Sa event na pinamagatang Blacklist Protocol, nagpahayag ng pasasalamat ang organisasyon sa kanilang mga loyal fans. Ang buong roster, kabilang ang iconic duo na V33Wise, na sina Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna at Danerie James “Wise” Del Rosario, na magbabalik para sa parating na season ay naroon din sa venue para sa meet and greet session kasama ang mga fans.

Ang Tier One squad, na itinuturing na pinakamalakas na MLBB team sa buong mundo, ay nanalo nang dalawang magkasunod na season, noong Season 7 at 8, bukod pa dito ay inuwi rin nila ang M3 World Championship noong nakaraang taon.

Sila rin ang nagwagi ng gold medal sa 31st SEA Games, at muling magiging kinatawan ng Pilipinas sa 14th IESF World Esports (WE) Championship sa Indonesia.

V33Wise sinabing mas mature ang Blacklist International kumpara noong MPL PH S8 at M3

Blacklist International V33Wise M3
Credit: Blacklist international

Sa meet and greet session, inamin ng V33Wise duo na masaya silang nagbabalik upang lumaban para sa kanilang team at muling makasama ang kanilang mga teammates na sina Edward Jay “EDWARD” Dapadap, Kiel Calvin “OHEB” Soriano, at Salic “Hadji” Imam.

Pinuri ni Wise ang kanyang mga kakampi at sinabing nakitaan niya ng improvement ang mga teammates. “Siyempre masaya kakampi ko na ulit ‘tong tatlong ‘to and nakita ko naman na nag improve sila sa mindset nila.”

MLBB Blacklist International Dota2 Team Spirit
Credit: ONE Esports

Sa kabilang banda, pareho rin ang sinabi ni OhMyV33nus. “Same kay Wise, makita mo talaga nag improve mindset nila and yung attitude nila. Ako, super excited ako na makalaro ulit sila.” 

At bilang reaksyon sa nalalapit na pagsasama-sama ulit ng team para sa paparating na MPL PH Season 10, hindi niya napigilang ipahayag ang pagkasabik. “Talagang totoo na kapag napapalayo ka sa mga taong nakasanayan mo, tapos nakasama mo ulit sila, mas exciting,”  dagdag ni OhMyV33nus.

Bagama’t hindi naging maganda ang resulta ng nakaraang season para sa Blacklist International at nabigo silang makapasok sa playoffs, nagbabalik na sila bitbit ang kanilang pinakamalakas na squad. Mababawi kaya nila ang kampeonato mula sa RSG PH?

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.